NILANGAW daw sa kanyang first day ang pelikulang GG na pinagbibidahan ni Donny Pangilinan.
Ayon sa aming reliable source, sayang ang pelikula dahil tila hindi ito sinuportahan ng moviegoers. Maganda raw ang kuwento ng movie na pang-milenyal ang tema pero parang wrong timing ang pagpapalabas.
Ratsada naman daw sa promo ang movie at mall show hanggang ngayon pero nilangaw pa rin ito sa takilya.
May nakapagsabi rin na medyo minadali ang showing nito at hindi nabigyan ng magandang publicity sa pag-aakala nilang kakabig ang film dahil sa pagbuntot nila sa umaribang box office result ng katatapos na Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023.
Well, ganoon talaga.Masyado pa yatang maaga para mag-solo frame sa silverscreen si Donny sabi pa ng isang baklang matabil ang dila. (Dominic Rea)