Monday , December 23 2024
Pantaleon Alvarez Martin Romualdez

Ex-Speaker inakusahan si Romualdez
PEOPLE’S INITIATIVE MANIPULADO, GAMIT PROGRAMA NG GOBYERNO

INAKUSAHAN ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez si incumbent Speaker Ferdinand Martin Romualdez na pinangungunahan ang people’s initiative (PI) para amyendahan o baguhin ang 1987 Constitution gamit ang mga programa ng gobyerno upang manghikayat ng mga pipirma sa Charter change petition.

“In fact, ginagamit nila ang AICS para pumirma ang mga tao. Bibigyan ka ng P5,000 basta pumirma ka sa petisyon. Kaya talagang makukuha nila ang 3 percent, madali ‘yan,” ani Alvarez sa radio interview ni broadcaster Ted Failon.

Ang AICS o ang Assistance to Individuals in Crisis Situation ay isang serbisyo mula sa social welfare na ipinagkakaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nag-aalok ng suporta, gaya ng medical assistance, burial aid, transportation, education, food, at financial assistance sa mga indibiduwal o pamilyang nangangailangan.

Ang isinusulong na people’s initiative, ay naglalayong baguhin ang konstitusyon sa pamamagitan ng pagsang-ayon ng dalawang kapulungan  ng kongreso ngunit ito ay kinuwestiyon dahil sa alegasyon ng panunuhol at ilang ilegal na transaksiyon.

Sa ilalim ng isinusulong na PI, bawat congressional district ay kinakailangang makakalap ng lagda mula sa minimum na tatlong porsiyento ng kanilang registered voters.

“Ang mayor ng Tagum City may dinagdag pa, maliban sa AICS, sinasabi pa niya (doon) sa mga pipirma, lalong-lalo na ang mga negosyante, waived na ang realty taxes. Ngayon pinag-aaralan ko rin ang legality niyan kung pwede bang gawin ng mayor ‘yan at ng local government,” ani Alvarez.

Ibinahagi ni Failon, isang taxi driver na kanyang nakausap ang nagsabi na ginagamit ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program sa Antipolo ng mga PI advocates.

Saad ni Alvarez: “Dito kasi ‘yung TUPAD hindi masyado nilang ginagamit. Hindi masyadong ginagamit ang DOLE dahil medyo takot ang mga empleyado. Pero itong DSWD dito sa  probinsiya at saka sa Region XI, daring masyado. ‘Di ko nga maintindihan. Palagi nilang isinasagot kapag tinatanong namin, bakit naman ganyan? Hindi sang-ayon sa requirements kung sino ang bibigyan nila. Ang sagot lang nila, ang standard answer: ‘Pasensiya na po kayo, utos po sa taas.’”

“Ngayon hindi ko alam kung sino ang nasa taas. Pero ang namimigay ng AICs dito, ‘yong ginagamit, ang Tingog Party-list. At alam naman ng lahat kung sino ang may-ari ng Tingog Party-list.”

Ang Tingog Party-list ay representasyon ng Eastern Visayas sa Kongreso, ang isa sa kanilang kinatawan ay ang asawa ni Romualdez na si Yedda Marie.

Nang tanungin ni Failon upang linawin kung sino ang kanyang tinutukoy, tahasang sumagot si Alvarez, “E ‘di ‘yung Tambaloslos diyan sa House of Representatives. Isa lang ang Tambaloslos sa buong Filipinas, si Martin Romualdez.”

Magugunitang ginamit ni Vice President Sara Duterte ang terminong “tambaloslos,” na ang ibig sabihin sa Visaya ay ambisyoso bilang paglalarawan kay Romualdez matapos silang magkahiwalay.

Noong 2022 national elections, tumakbo si Duterte bilang vice president sa ilalim ng Lakas-CMD, na si Romualdez ang party president. Si Duterte naman ay chairperson.

Nagbitiw si Duterte sa Lakas-CMD kasunod ng pagtanggal kay dating Pangulo at Pampanga 2nd District Rep. Gloria Arroyo bilang senior house deputy speaker sa mababang kapulungan.

Samantala, itinanggi ni Romualdez na siya ang nasa likod ng PI campaign sa gitna ng alegasyon ng pinsang si Senator Imee Marcos.

Hinamon ni Romualdez ang pinsan na patunayan ito, kung hindi ito isang ‘tsismis’.

“Hindi naman talaga aamin ‘yan dahil alam niyang may liability siya sa anti-graft or pwedeng kasuhan kung talagang aaminin niya ‘yon,” ani Alvarez. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …