MA at PA
ni Rommel Placente
SA panayam kay Luis Manzano ng ABS-CBN, sinabi niya na graduate na siya sa pagiging host ng mga reality TV at game show. Feeling niya, it’s about time na bigyan naman ng chance ang young generation ng mga Kapamilya na maaaring sumunod sa kanyang yapak.
‘Yun ang sagot niya sa tanong sa kanya, na kung magbabalik na ba ang reality competition na Pilipinas Got Talent, na siya ang host ng ilang beses, at kung siya ba ulit ang kukuning host nito?
Wala pa siyang idea kung muling magkakaroon ng PGT pero aniya, maraming promising host ngayon na pwedeng pumalit sa kanya sa show as a host.
Sabi ni Luis, “Congratulations sa kung sino man, hindi ako eh, kumbaga nag-rest na ko sa ‘Pilipinas Got Talent.’ Sabi ko nga why not give it to the new generation.
“Nakikita kong pwede si Robi (Domingo), si Donny (Pangilinan), pwedeng si Edward (Barbers)or maybe si Enchong (Dee). It’s about time na ibigay na ‘yung mga ganoong show sa kanila,” aniya pa.
Ang naiisip ni Luis na pwede niyang gawin in the future ay mga game show o reality TV with original concept.
Sa ngayon ay super happy siya sa pagiging daddy sa anak nila ni Jessy Mendiola na si Rosie o Baby Peanut. Looking forward din siya sa pagbabalik-showbiz ng kanyang wifey very soon.
Sey pa ni Luis, hindi siya makikialam sa magiging diskarte ni Jessy sa kanyang showbiz comeback. Hindi rin niya pagbabawalan ang asawa na gumawa ng intimate at daring scenes.
“She can do whatever she wants. If it will give you artistic fulfillment, then by all means go ahead,”paliwanag pa ni Luis.
May plano na ba sila ni Jessy na magkaroon ng baby number 2?
“May mga contractual obligations pa na kailangang asikasuhin. Pero hopefully, in a year or two eh maging ‘ate’ na si Peanut,” sagot niya.