Tuesday , October 8 2024
Janno Gibbs Donny Pangilinan

Janno at Donny hilahod ang mga pelikula

HATAWAN
ni Ed de Leon

MASAMANG balita, naghihilahod sa takilya ang pelikula ni Janno Gibbs at ni Donny Pangilinan. Iyan na nga ba ang sinasabi namin eh, basta ang pelikula ay hindi nai-promote mabuti at umasa lamang sa publisidad on line, maghihilahod talaga.

Tingnan ninyo ang mga pelikula noong Metro Manila Film Festival (MMFF), palibhasa hindi umasa on line at ang mga artista ay kumilos nang husto, lahat maliban sa isa ay kumita. Eh pagkatapos niyon ang ginawa ng mga kasunod ay umasa na naman sa on line, iyan ang napala nila.

Tama ang isang obserbasyong narinig namin. Iyong mga nagbabasa kasi on line, iyan din ang nanonood lang sa internet streaming. Iyan ang nakababad sa Youtube, at iba pang platforms, hindi iyan ang nanonood ng sine. Iyong mga nagbabayad para manood ng sine, hindi iyan nagpapa-download ng e-copy ng mga pelikula, hindi nanonood sa maliit na screen ng computer at cellphone. Handa iyang magbayad para manood sa sinehan na may big screen. Iyan din iyong mga tao na ang gusto ay magkaroon ng diversion, iyong mabago man lang ang kapaligiran. Hindi iyan ang nakaupo lang sa bahay at nagkakalikot ng internet. Kaya hindi napapansin ng mga ganyang tao ang promo sa internet lang.

Isa pa, ang mga nanonood ng sine ay humahanap ng mga box office stars. Ang nasa isip nila kaya iyan hindi box office star ay dahil hindi magaling, o hindi magaganda ang ginagawang pelikula, kaya paano mo sila maaasahang magbayad ng mahal sa sinehan? Hinahanap nila ang mga artistang gusto nila.

Kung baguhan ka pa lang na walang napatutunayan, aba eh huwag kang magbida agad. Kung ikaw naman iyong matagal nang nagpahinga at magbabalik pa lang, huwag ding magbida agad. Tantiyahin mo muna. Hindi sapat iyong mayroon kang isang ghrupo ng mga tumitiling fans para maging hit ang pelikula mo. Iyang mga nagtitiliang iyan ay hindi sapat para mapuno ang isang sinehan lang, ang lalabas abono ka pa dahil sa minimum guarantee na kailangang bayaran sa sinehan kung hindi mo maabot ang quota.

Isa pa, katatapos nga lang ng festival at natural sawa pa ang mga tao sa sine, kung indie rin lang ang ipalalabas ninyo, sana naghintay na lang kayo ng panahon.

Isa pa iyan, kung ang pelikula ninyo ay low budget, alam nila indie lang iyan, bakit ka nga naman manonood eh ang mahal ng admission price ng sinehan tapos ang pelikula ay maliit lang naman ang puhunan at tinipid pa?

Iyan ang hindi iniisip ng mga producer na basta gawa na lang ng gawa ng pelikula. Iyang paggawa ng pelikula pinag-aaralan iyan, ano ba ang kuwentong gusto ng mga tao, sino bang artista ang gusto nilang mapanood? Sino bang direktor ang makagagagwa ng isang mahusay na pelikula?

Kung hindi pa ninyo napag-aaralan iyan, huwag muna kayong mag-produce ng pelikula, malaki ang kaibahan ng pelikula kaysa pagtitinda ng tinapa at tuyo sa talipapa.

About Ed de Leon

Check Also

Ataska Mercado

Ataska proud sa sarili—I’ve been working really hard since I was five

RATED Rni Rommel Gonzales ITINUTURING ngayong Vivamax Princess, nagsimula bilang child actress si Ataska. Kung makakausap …

Alexa Ilacad Ryrie Sophia Kim Ji-soo Mujigae Randolph Longjas

Alexa inalalayan ni direk Randolph kung paano magpaka-nanay

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG beses na gumanap si Alexa Ilacad sa papel na malapit sa pagiging …

Julia Montes

Julia’s cryptic post pahulaan sa netizens

MA at PAni Rommel Placente MAY pa-blind-item si Julia Montes sa latest Instagram story niya tungkol sa isang tao na dati …

Aljur Abrenica AJ Raval

Aljur may pa-sweet message kay AJ, netizens negatibo ang reaction

MA at PAni Rommel Placente MAY sweet message si Aljur Abrenica para sa kanyang mahal na AJ Raval na …

Prince Carlos Aga Muhlach

Newbie actor nahihiyang i-claim na hawig ni Aga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAPAKA-DISENTENG kausap ni Prince Carlos, isa sa mga Sparkle artist na very soon ay …