Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Habang-panahon na tayong bu-bulihin ng China

YANIG
ni Bong Ramos

SA mga hilakbo ng kaganapan, tila habang-panahon na tayong bu-bulihin ng China partikular na sa pag-angkin ng ilan isla natin sa West Philippine Sea (WPS).

Hindi lang isa, dalawa kundi maraming beses na tayong hinamak at nilait ng mga ito sa sarili nating teritoryo lalo na ang mga mangingisda nating tahimik na puma-palaot sa sariling karagatan.

Maliban sa ating mga mangingisda, ilan beses na ring hinarang at pinag-tabuyan ng mga Intsik ang ating mga coast guard at navy na wala namang ibang pakay kundi mai-hatid ang supply at panganga-ilangan ng ating mga kababayan sa isang isla.

Ilan beses na ring binomba ng water-cannon, binangga at sinagi ang bangka hanggang sa gamitan pa ng high-power laser ang ating mga kaba-bayan na wala namang ibang nagawa kundi ang magkibit-balikat.

May isang situwasyon pang nang-yari nang intensiyonal na banggain ng dambuhalang barko ng China ang bangka ng ating mga mangingisda na basta na lang iniwan sa laot ng lulutang-lutang.

Nito lamang Linggong ito, sinita ng mga ito ang ating mangingisda at kinum-piska pa ang mga huli nitong mga kabibe na para bang sila na ang lehitimong may-ari ng WPS.

Sa kabila ng ating gina-gawang mapayapang dialago at walang kamatayang diplomatic protest, wala ring resulta at dedma lang China sa lahat-lahat.

Complete-denial at kung anu-anong alibi lang ang itu-tugon sa lahat ng inquiry hinain sa kanila. Hangga’t maaari ay tayo pa ang pina-palabas na mali at sini-sisi sa lahat ng kaganapan.

Wala ring nang-yari sa pagka-kapanalo natin sa tribunal court sa Hague na kung saan dinesisyunan ng nasabing korte na ang Pilipinas ang may hurisdiksiyon sa WPS.

Nguni’t ang lahat ng ito ay bale-wala lang sa China dahil sa hindi nito kini-kilala ang nasabing korte at may sarili rin silang interpretasyon na sakop nila ang pinag-aagawang dagat.

Eh hanggang saan kaya hahantong ang isyung ito kung hindi ta-tanggapin ng China ang anumang resolution. Luma-labas na walang ibang hangad ang mga ito kundi ang mapasa-kanila ang WPS in hook or by crook.

Selosong numero-uno rin ang mga Intsik

TILA seloso rin numero-uno ang mga Intsik na ultimo pakikipag-kaibigan natin sa ibang bansa ay hina-hadlangan at pinapag-bawal.

Dominanteng masyado ang mga ito hindi lang sa pag-angkin ng WPS kundi pati sa pakikipag-ugnayan sa ating mga ka-alyadong bansa.

Ang situwasyon at akusasyong ito ay nag-ugat matapos na batiin ng ating Pangulong Bong-Bong Marcos ang bagong halal na Presidente ng Taiwan.

Dito parang sumama ang loob ng China na nag-wikang hindi dapat maki-alam ang Pinas sa eleksiyon sa Taiwan.

Sinabi ng China na mas una silang naging alyado ng Pinas at dapat na maging committed at panindigan hanggang sa huli ang “ONE PEOPLE REPUBLIC OF CHINA”.

Kung tutuusin ay wala namang ibang hangad ang ating Pangulong BBM kundi ang batiin ang bagong halal na Pangulo ng Taiwan na kung saan daan-daang libong mga Pinoy ang nagtra-trabaho bilang mga domestic helper.

Hindi naman umano masamang makipag-kaibigan at maki-sama sa liderato ng Taiwan. Ito nga naman ay para rin sa kapakanan ng daan libo nating mga kaba-bayan na malaki rin ang na-ambag sa ekonomiya ng ating bansa.

Ito nga namang mga Tsinong ito na taga PRC na bukod sa mapag-hangad ay super-sensitibo rin at balat-sibuyas pa tsk   tsk   tsk

Sa laki ng inyong bansa ay naku-kuha niyo pang mag-selos. Maski na sino sigurong bansa ay siguradong mai-ilang na kayo ay salingin lalo na ang Pinas dahil sa lakas ng inyong sandatahang lakas at kumpleto makinarya pa.

Hindi malayong habang-panahon ay bulihin niyo ang Pinas dahil sabay-sabay lang kayong dumura ay baka lumubog na ang Pilipinas he   he   he

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Bong Ramos

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …