MATABIL
ni John Fontanilla
MARAMI ang humanga sa muling pagsabak sa pageant ng 69-year-old na si Joyce Cubales sa gaganaping Miss Universe na siya ang representative ng Miss Universe Philippines-Quezon City.
Kasama si Jocelyn sa 14 iba pang kandidata na magko-compete sa Feb. 5.
Isang malaking inspirasyon si Jocelyn or Joyce kung tawagin ng kanyang mga kaibigan sa mga katulad niya na nangangarap pa ring sumampa sa entablado at mag-join ng beauty pageant.
Bukod sa pagiging Beauty Queen, isang international designer, actress at philanthropist si Jocelyn, kaya naman kaabang-abang ang susuutin nitong gown na siya mismo ang gumawa.
Inanunsiyo ng Miss Universe Organization noong nakaraang taon na tinatanggal na nito ang age restriction sa patimpalak simula ngayong taon at lahat in any age ay puwedeng sumali.