Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Yza Santos

Apo ni Bert Silva na si Yza gustong sumikat sa ‘Pinas 

MATABIL
ni John Fontanilla

MALAKI ang posibilidad na sumikat ang baguhang  singer na nakabase sa Australia na si Yza Santos na alaga ni Maestro Vehnee Saturno at ng singer na si Ladine Roxas-Saturno.

Bukod sa maganda ay very talented pa ang teen singer na si Yza na malaki ang pagkakahawig kay Ara Mina at Sandara Park, na ‘di lang mahusay kumanta, kundi magaling din umarte at  mag-drawing.

Kasamang humarap sa entertertainment press ni Yza ang kanyang very supportive mom na si Mommy Marissa Santos.

Ayon nga kay Mommy Marissa, ang pagiging talented ni Yza ay namana sa kanyang Lolo Bert Silva na dating aktor at sa kanyang great-great grand father na si Lopez K. Santos, ang Father ng Balarila.

At kahit nagpe-perform na sa Australia ay gustong makilala ni Yza sa local music scene at marinig ng mga Filipino ang kanyang song at isa pa sa dream nito ang makilala bilang mahusay na musical theater actress sa west end o sa Broadway Musical katulad ng kanyang idolong si Lea Salonga.

Sa ngayon ay naghahanda si Yza sa launching at promotion ng kanyang first single entitled Misteryona mula sa komposisyon ni Maestro Vehnee under Saturno Music.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …