Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
The Guardian Viva Nam Woo Hyun Park Eun Hye Han Jae Seok Yassi Pressman

Yassi Pressman pinakanta, pinasayaw sa audition ng Korean movie

ni ALLAN SANCON

MALAYO na talaga ang narating ng career ni Yassi Pressman dahil bukod sa kanyang mga teleserye at hit movies ay kasali rin siya sa International Korean Film na The Guardian na makakasama niya ang mga Korean actor na sina Nam Woo Hyun, Park Eun Hye, at Han Jae Seok.

Isa itong action-drama collaboration film between Phillippines and South Korea tungkol sa mapagmahal na anak na haharapin ang lahat para sa kanyang ina.

Gagampanan ni Yassi ang role ni Sandara na nangangarap maging K-Pop Star. Aminadong nag-audition si Yassi para makuha ang role ni Sandara at ikinuwento niya kung ano ang ipinagawa sa kanya.

“Basta sinabi lang nila sa akin na ‘do your best’ Tinanong ko sa kanila kung ano ang gagawin ko, iiyak ba ako or tatawa sa audition? Pero pinakanta at pinasayaw nila ako dahil ang gagampanan ko pala ay ang role ng isang Pinay na nangangarap maging K-pop star.”

Medyo challenging daw ang gagawing project na ito ni Yassi dahil 1st time niyang makakatrabaho ang mga Korean actor dahil nga siguro sa language barrier. Tanging sign language ang kanilang communications.

Makakasama rin sa cast members sina Jeric Raval, Joko Diaz, WIlbert Ross, Eric  Ejercito, Heart Ryan, Ashtine Olviga at marami pang iba.

Nagsanib-puwersa ang Parallax Studio, Robosheep Studios, GV Labs, Will Studios, Viva Films, atOvation Productions para gawin ang action-drama korean film na The Guardian. This is directed by Jeong Jang Hwan na ipapalabas hindi lang dito sa Pilipinas maging sa ibang bansa. 

Abangan!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …