Sunday , August 24 2025
Salve Asis PSN PM SPEEd

Salve Asis ng PSN at PM bagong presidente ng SPEEd

PORMAL nang inihayag ng Society of Philippine Entertainment Editors o SPEEd ang pag-upo ng bago nitong pangulo na si Salve Asis.

Si Asis ay entertainment editor ng dalawang national tabloid sa bansa, ang Pilipino Star Ngayon at Pang Masa na kabilang sa PhilStar Media Group.

Siya ang hahalili sa posisyon ng dating pangulo ng SPEEd na si Eugene Asis, entertainment editor ng People’s Journal na dalawang taon ding nagsilbi bilang presidente ng grupo.

Sa pagtatapos ng kanyang termino, nagpahayag ng tiwala at suporta si Eugene sa bagong halal na pangulo ng SPEEd na ilang taon na ring bahagi ng entertainment industry.

Nagsimula ang SPEEd bilang isang social club ng mga entertainment editor mula sa iba’t ibang national broadsheet at mga nangungunang tabloid at online portal sa Pilipinas.

Sinimulan ito ng yumaong entertainment editor ng Manila Standard at president emeritus ng SPEEd na si Isah V. Red.

Ayon kay Salve, ang isa sa magiging top priority niya bilang pangulo ng grupo ay ang pagdaraos ng 7th edition ng The EDDYS o The Entertainment Editors’ Choice ngayong 2024.

Ipagpapatuloy din ng kanyang liderato ang pagsasagawa ng mga charity programs na isa sa mga adbokasiya at tradisyon ng grupo mula nang ito’y mabuo.

Bukod dito, tuloy-tuloy pa rin ang pagtulong at pagsuporta ng SPEEd sa movie industry pati na rin sa lahat ng mga indibidwal at grupo na walang-sawang nagtataguyod sa kapakanan ng mga taga-industriya.

Ang ilan pang nahalal na opisyal ng SPEEd ngayong taon ay sina Tessa Mauricio-Arriola (The Manila Times) bilang Vice President Internal at Gerry Olea (Philippine Entertainment Portal) bilang Vice President External.

Sina Gie Trillana (Malaya) at Maricris Nicasio (Hataw) naman ang nahalal na Secretary habang si Dondon Sermino (Abante) at Dinah Sabal Ventura (Daily Tribune) ang Treasurer at Assistant Treasurer. 

Muling magsisilbing PRO sina Ervin Santiago (Bandera) at Nickie Wang (Manila Standard) habang si Rohn Romulo (People’s Balita) naman ang Auditor.

Ang iba pang miyembro ng SPEEd ay sina Neil Ramos ng Tempo, Robert Requintina ng Manila Bulletin, Nathalie Tomada ng Philippine Star, Ian Fariñas ng People’s Tonight, Dindo Balares (dating entertainment editor ng Balita), at Rito Asilo ng Philippine Daily Inquirer.

Magsisilbi namang mga adviser ng grupo sina Nestor Cuartero ng Tempo at Manila Bulletin at ang former president na si Eugene Asis.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Nadia Montenegro

Nadia nagbitiw na bilang political officer ni Robin

MA at PAni Rommel Placente NAG-RESIGN na si Nadia Montenegro bilang political officer ni Sen.Robin Padillahabang iniimbestigahan ang …

Kathryn Bernardo Mark Alcala

Fans ni Kathryn tanggap si Mayor Mark  

MA at PAni Rommel Placente NAKATUTUWA naman ang mga tagahanga ni Kathryn Bernardo. Very understanding sila …

Vivian Velez Vice Ganda

 Vivian Velez nahalukay dating scandal sa pagsawsaw kay Vice Ganda 

I-FLEXni Jun Nardo NAHALUKAY ang nakaaang scandal ng aktres na si Vivian Velez ng isang netizen na …

Blind Item Corner

Junior actor posibleng masibak namumuro sa pagiging late 

I-FLEXni Jun Nardo NABUWISIT ang dalawang senior actor sa isang junior actor na madalas napapanood sa sexy films. Ang …

Heaven Peralejo Jerome Ponce I Love You Since 1892

Heaven ‘di nagpaapekto ‘di feel ng fans magbida sa I Love You Since 1892

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN ng reaksiyon si Heaven Peralejo tungkol sa tila hindi pagkagusto ng ilan, …