Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Baby Go BG Productions

BG Productions magiging aktibong muli sa paggawa ng pelikula

MATABIL
ni John Fontanilla

INANUNSIYO ni Baby Go sa kanyang pre- New Year Thanksgiving Party na muling gagawa ng pelikula ang kanyang BG Productions Inc..

Nakagawa na ng 17 films ang kanyang film outfit na halos karamihan ay umani ng parangal ‘di lang sa bansa kundi sa ibang bansa.

Ayon nga sa producer, “May mga naka-line-up na kaming projects. Nakapag-meeting na rin kami ng production staff ko. 

“I can confidently say that we are ready to make movies again this year.”

At ngayong 2024 ay ibinalita rin nito na magkakaroon sila ng collaboration ng Borracho Films ni Atty. Ferdinand Topacio.

Hindi lang sa paggawa ng pelikula magiging active si Baby dahil muli nitong bubuksan ang kanyang BG Showbiz Plus magazine.

Naniniwala pa rin ako na may market pa rin sa print,”  anito.

Ilan sa naging panauhin ni Ms Baby sa party ang mga kaibigan nitong sina Imelda Papin, Atty. Jose Villanueva at ang maybahay nitong si Malou, William Castro ng FFCCCII, at ilang members ng Chinese Chamber of Commerce, representatives ng Masagana Partylist, officer ng Pardsss na si Oyette Banayo, Atty. Topacio, Aileen Papin, Bamboo Bobadilla, at Janah Zaplan.

Present  din ang mga anak, manugang, at apo ni Ms Baby na sina Jean Go-Marasigan, Patty Go-Gamboa, Pamela Go-Novera, at Jerome Go.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …