MATABIL
ni John Fontanilla
NAGPA-IYAK ng maraming tao si Alden Richards sa mahusay nitong pagganap bilang si Matty sa pelikulang Family of Two na pinagbibidahan nila ni Sharon Cuneta.
Saksi ang inyong lingkod sa dami ng taong nanood at nag-iiyakan including yours truly na nanood ng pelikula sa Cinema 3 ng SF Fairview. Maging ang mga kasama naming nanood ay umiiyak pa rin hanggang sa matapos ang pelikula.
Sobrang solid ang naging performance rito ni Alden na ‘di nagpakabog sa aktingan kay Sharon na mahusay din sa pelikulang ito with MMFF 2023 Best Supporting Actress, Miles Ocampo.
Bagay na bagay na mag-ina sa movie sina Alden at Sharon na effortless at ramdam na ramdam mo ang connection nila bilang mother and son.
At sa ending ng pelikula ay talaga namang isang masigabong palakpakan ang ibinigay ng mga tao sa loob ng sinehan.