NAGPAKAWALA ng mga puting kalapati ang mga convenor’s ng National Ecumenical Prayers for Peace na simbolo ng inaasam na pangmatagalang kapayapaan matapos lumagda gamit ang kanilang mga thumbprints ng isang pangako na tumulong sa pagwawakas ng ilang dekada nang hidwaan sa pagitan ng gobyerno at ng mga rebeldeng komunista at yakapin ang isang bagong landas tungo sa kapayapaan.
Ang kaganapan ay pinangunahan ng mga miyembro ng Political Officers League of the Philippines (POLPhil) na sinamahan ng mga pinuno ng simbahan, akademiko, opisyal ng gobyerno, dating opisyal ng militar, negosyante, solo parents at community leaders na nakabase sa Quezon City.
Ang makasaysayang kaganapan ay ginanap sa University Hotel sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman.
Idinalangin ni Edicio dela Torre, dating pari at political prisoner, ang pagbibigkis ng mga tao, anoman ang paniniwala sa relihiyon, kultura o pananaw ay mahalaga sa paghahanap ng landas na mapayapa hindi lang patungo sa kapayapaan at katarungan kundi bahagi na rin ang pagtatanggol sa kalikasan na biyaya ng ating Panginoon.
‘Ika niya, “Peace be the path to justice and not just a fruit to justice”.
Ipinunto niya sa mensahe ang kahalagahan ng environmental peace na pinapatibay nito ang ating ekonomiya, ang ating lipunan, ang ating mismong pag-iral.
Bukod kay Dela Torre kabilang sa prominenteng bisita na dumalo ay sina Aleem Raj Pumbaya, National Commission of Muslim Filipinos (NCMF); Gary Salacop, Sharia Councilor, NCMF Central; Prof. Nestor Castro, former Vice Chancellor – UP Diliman; Niva Gonzales, Board Member of Bantayog Ng Mga Bayani Foundation; Josie Velasco, Solo Parent Sectoral Rep-QC; Asec. Elizabeth De Leon ng DILG Community Participation; Prof. Alexander De Luna ng Pamantasang Lungsod Ng Marikina; Brian Lu, Chairman ng CS0 Representative to the Quezon City Development Council; Rudy “Kid” Caneda, POLPhil National President; Ricardo R. Serrano Chairman Emiritus, POLPHIL; Noel M. Medina, Vice President, POLPhil; at Nati Agbayani, POLPhil Executive Director. (TEDDY BRUL)