Thursday , December 5 2024
Piolo Pascual Elisse Joson JC Santos

Piolo dinumog sa mga sinehan; JC Santos at Elisse Joson magaling sa Mallari

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MASAYANG-MASAYA si Piolo Pascual sa resulta ng kanyang pelikulang Mallari, isa sa 10 entries ngayon sa Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil talagang dinudumog ng netizens at maganda ang rebyu.

Nakakatuwa! Buhay na buhay ang Pelikulang Pilipino. So, nakatataba ng puso. It’s not just for us but for the whole film community,” ani Piolo na naglibot sa unang araw ng showing ng Mallari sa mga sinehan.

Unang stop stop ni Piolo ang SM MOA, “and it was sold out and there were lots of people outside. And then, sa lahat ng pinuntahan naming sinehan, ang daming pila,” masayang pagbabahagi ng aktor nang makausap namin nang magtungo naman ito sa mga sinehan sa SM North Edsa noong December 25.

Bukod sa dinagsa ng tao ang kanyang pelikula, magaganda ang reviews dito at lahat ng mga nanood ay napapapalakpak. At matapos naming mapanood din ito noong Christmas day, hindi na kami nagtataka kung bakit nakipag-partner ang Warner Bros. sa Mentorque Productions, prodyuser ng Mallari para sa distribution nito dahil maganda ang pelikula at talaga namang iba ang kalidad.

Magaling si Piolo sa tatlong karakter na ginampanan niya sa tatlong henerasyon — si Fr. Severino Mallari, si John Rey, at si Jonathan (1840s, 1940s and 2023). Tama lamang na maisama siya para ma-nominate bilang Best Actor o manalo pa nga. Hindi kasi biro ang tatlong karakter na ginampanan ni Piolo.

At ang pinakagusto namin ay ‘yung 1840, iba ang dating niya bilang si Fr Severino. Magaling! Dagdag pa ‘yung looks ni Piolo na madaling ma-differentiate sa characters niya.

Magaling din si Elisse Joson na gumanap bilang Felicity at asawa ni Piolo (bilang John Rey at noong 1940). Ibang Elisse ang napanood namin dito at deserved niyang ma-nominate bilang Best Supporting Actress.

Deserved din ni JC Santos na ma-nominate bilang Best Supporting Actor na gumanap bilang Fr Lucas. Ang galing-galing niya. 

Bukod sa acting ang kahanga-hanga rin ng scoring, cinematography, at ending.

Isa ang Mallari sa hindi dapat palampasin na mapanood.

Sa kabilang banda, may naglabas ng rankings ng 10 official entries ng MMFF 2023 sa first day ng showing nito noong Dec. 25. Isang art card ang kumalat sa social media na nagpapakita kung ano-anong pelikula ang nanguna at kung magkano ang kinita ng mga ito.

Ipinakikitang nanguna ang pelikulang Rewind na may gross na P110-M, sinundan ng Mallari na kumita raw ng P31-M, No. 3 ang Pedro Penduko na may P25-M kita, 4th ang Family of Two na may P12.5-M gross, at ikalima ang Firefly with P11.1-M.

Ang When I Met You in Tokyo na may gross na P10.1-M ang ika-anim, ika-pito ang Kampon with P5-M, Becky and Badette with P3.3-M ang ika-walo, pang-siyam ang GomBurZa with P1.4-M at kulelat daw ang Broken Hearts Trip with P680K.

Kung susuriing mabuti, ang layo ng gross ng Rewind sa siyam na entries.

Kaya nakakabahala dahil marami ang naniwala sa nasabing art card dahil pinalabas na galing sa MMFFkaya marami ang nag-repost.

Pero fake news ang gross dahil hindi pa naglalabas ang MMFF execom ng official gross ng 10 movies na kasali.

Ayon sa isang reliable source, tama ang rankings ng film pero mali ang gross.

Kaduda-duda rin naman talaga na kumita ng P110-M ang isang pelikula sa first day ng showing. Wala pa kaming natatandaang Filipino film na nag-gross agad ng ganito kalaki sa unang araw pa lamang..

Ang Hello, Love, Goodbye na number 1 movie of all time ay naka-P34-M lang sa 1st day at iyong second na The Hows Of Us ay P35-M naman. 

Sa MMFF namang, ang The Mall, The Merrier ni Vice Ganda ay sa ika-tatlong araw nito at saka naka-P100-M. Samantalang ang Fantastica ay teo- 2 days bago naka-P100-M. 

Sinasabi pang bawal maglabas ng figures na siyang ipinangalandakan agad ng artcard.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Arjo Atayde

Arjo malaki tsansang makasungkit ng tropeo sa MMFF Gabi ng Parangal

RATED Rni Rommel Gonzales MATAGUMPAY na aktor at congressman ng 1st District ng Quezon City …

Moon Su-In Noreen Divina Skinlandia Rams David 

Moon Su-In bagong endorser ng Skinlandia

RATED Rni Rommel Gonzales BONGGA ang Skinlandia ni Madam Noreen Divina dahil ang pinakabago nilang celebrity endorser ay ang …

Jimmy Bondoc

Jimmy Bondoc ikakasal sa 2025

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na nga ang pagpasok sa mundo ng politika ng mahusay na …

Richard Gutierrez Daniel Padilla Baron Geisler Incognito

Richard  mapapasabak aktingan kina Daniel at Baron

MATABILni John Fontanilla KAKAIBANG Richard  Gutierrez daw ang mapapanood sa Incognito kompara sa mga proyektong nagawa na niya. Hindi …

Richard Gutierrez Incognito

Richard pressured sa Incognito

MA at PAni Rommel Placente AMINADO si Richard Gutierrez, isa sa bida sa pinakabagong action-series ng  …