Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Darren Espanto Cassy Legaspi Vilma Santos Christopher de Leon

Darren, Cassy may mga memorable na eksena sa When I Met You In Tokyo

MATABIL
ni John Fontanilla

VERY memorable para kay Darren Espanto ang mga eksena niya kasama ang beterano at awardwinning veteran actors sa pelikulang When I Met You In Tokyo na entry sa 2023 Metro Manila Film Festival ng JG Productions.

Ayon kay Darren, “Ikaw ba naman ang makaeksena nina Vilma Santos, Christopher De Leon, bongga talaga, ‘di ba?

“Pero ‘yung bonding namin off camera, ang sarap ng experience na ‘yon.

“But of course, memorable ang scenes ko na makasama silang lahat.”

At para naman kay Cassy, hindi nito malilimutan ang sampal sa kanya ng isa pang mahusay na aktor na si Gabby Eigenmann.

Hindi ko makakalimutan ang sampalan scene with my Papa (Gabby). Thank you Papa, you’re the best. Actually, totoo ang tears ko, kasi  napakasakit!

“Pero ginusto ko ‘yon, Professional po tayo.

“Pero memorable scene rin sa akin ‘yung last scene namin ni Darren,” hirit ni Cassy.

Uy, nakalimutan ko ‘yon” singit naman ni Darren.

Wow, ha! Talaga ba? Wow! 

“Uy nakalimutan ko ‘yon! “ muling sabi ni Darren.

Wow, ha! Talaga ba? How can you forget that?,” tila pang-aasar ni Cassy kay Darren.

Because it’s been months na,” sabi naman ni Darren.

“Ako, nandito pa rin eh, bakit ganoon? Ako lang nakaalala. 

“Hindi ba memorable ‘yun sa iyo? Naka-ilang takes tayo,” pangongonsensya ng dalaga ni Carmina Villaroel.

Abangan niyo na lang po,” sundot ni Darren.

Makakasama nina Cassy at Darren sa  When I Met You In Tokyo sina  Vilma SantosChristopher DeLeon, Kakai Bautista, Lyn Cruz, Lotlot DeLeon, John Gabriel, Gina Alajar atbp.. Hatid ng JG Productions nina Rowena Jamaji, Karishma Gidwani, at Redgie Magno. Idinirehe nina Rado Peru at Rommel Penza

Showing sa lahat ng sinehan sa Dec. 25.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …