MATABIL
ni John Fontanilla
MORE beautiful projects and challenging roles ang hiling ni Kim Rodriguez sa 2024.
Wala nang mahihiling at super blessed ang 2023 ni Kim sa dami ng magagandang projects nito simula nang mag-ober da bakod sa ABS SBN mula sa GMA 7.
“Actually very thankful ako kay Lord dahil binigyan niya ako ng mga magagandang proyekto ngayong taon.
“Nagpapasalamat din ako sa mga boss ng ABS CBN for trusting me sa magagandang roles na ibinigay nila sa akin, sana by 2024 mas marami pa akong magagandang projects at challenging roles na magampanan.
“Gusto ko ring mag-thank you sa manager ko (Ogie Diaz), dahil lagi siyang nandyan para i-guide ako at sa mga project na ibinibigay sa akin,” pahayag ni Kim.
At kahit anong projects ang ibigay sa kanya, mapa-bida o kontrabida, basta maganda at matsa-challenge siya ay tatangapin niya.
“Okey lang sa akin, mapa-bida man o kontrabida anf ibigay sa akin basta maganda ang script at challenging ‘yung role na gagampan ko go ako riyan,”
sabi pa ni Kim.
Bukod nga sa magagandang projects sa telebisyon ay mga mga nagawa rin itong pelikula at sunod- sunod din ang dating ng mga endorsement na labis-labis niya ring ipinagpapasalamat.