Monday , December 23 2024
Bayani City FSRR Camp Tecson San Miguel, Bulacan

 ‘Bayani City’ Phases 1 at 2 ng FSRR, naitayo na sa Camp Tecson

NAITAYO na ang Phases 1 at 2 ng tinaguriang ‘Bayani City’ sa loob ng Camp Tecson, sa bayan ng San Miguel, lalawigan ng Bulacan.

Sentro ng mga pasilidad na inilagak dito ang isang Military Operations on Urban Terrain o MOUT Training Facilities para sa mga kawal ng First Scout Ranger Regiment o FSRR ng Philippine Army.

Dinisenyo ang MOUT bilang isang mock city upang sanayin ang isang kawal o sundalo sa isang labanan na may maraming gusali, kalye at kongkretong kapaligiran. Mahahasa ang kanilang kasanayan upang tumugon at maging matagumpay ang operasyon sa isang urban-based conflicts.

Sa mensahe ni First Scout Ranger Regiment Commander Col. Isagani Criste, sinabi niya na ngayong nasa ika-73 taon na ang FSRR, mayroon itong mga panibagong misyon sa pagtupad ng mandato na ipagtanggol at ipaglaban ang estado sa lahat ng uri ng banta sa panloob na seguridad at soberenya.

Kalakip nito ang patuloy na pagsasaayos at pagkakaroon ng mga modernong kagamitan at makabagong pasilidad upang lubos pang palakasin ang kakayahan ng mga kawal ng FSRR sa larangan ng urban warfar.

Lalo pang napatunayan ang katapangan at kagalingan sa taktika ng FSRR sa kasagsagan ng pagkubkob hanggang mapalaya ang lungsod ng Marawi noong 2017.

Sa Phase 1 ng ‘Bayani City’, pangunahin sa mga itinayo ang apat na palapag na tower ng MOUT, isang bunker at iba pang kaugnay na pasilidad para isang urban terrain conflict.

Mayroon din itong dalawang linya na mga access roads na tila na isang lungsod ang kapaligiran.

Ayon kay Department of Public Works and Highways o DPWH Bulacan Second District Engr. George Santos, sinimulan ang P24.1 milyong proyekto noong taong 2022. Habang ang Phase 2 ng MOUT ay nagkakahalaga naman ng P9.7 milyon.

Matatagpuan sa MOUT Phase 2 ang dalawang units ng one-storey building na may roof deck at isang unit na two-storey building na mayroon ding roof deck. Nagpagawa rin ng isang 136.3 lineal meter na kalsada na may kasamang drainage system.

Pinondohan ito sa ilalim ng Tatag ng Imprastraktura para sa Kapayapaan At Seguridad o TIKAS na isang convergence program ng DPWH at ng Department of National Defense o DND para sa pagpapabuti ng mga pasilidad sa mga kampo at base militar ng Armed Forces of the Philippines o AFP.

Nagbigay naman ng teknikal na tulong ang United States sa paraan ng pagtatayo ng MOUT sa pamamagitan ng Naval Facilities Engineering Systems Command o NAVFAC ng nasabing bansa. Bahagi ito ng pinaigting na counterterrorism at security cooperation ng Pilipinas at United States na mas pinagtibay noong 2017.

Kaugnay nito, nakapaloob sa planong Phase 3 ang pagpapatayo ng fire station, police station, 3 storey building, 2 storey building, 1 storey building at isang tunnel.

Habang nakalinya rin ang iba pang malalaking proyekto na itatayo sa ‘Bayani City’ gaya ng kapilya, paaralan, ospital, palengke, government building, tulay na mag-uugnay sa ‘Bayani City’ palabas sa Camp Tecson at ang kunwaring ‘Slum area’. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …