Friday , November 15 2024

Hiling sa ERC
MERALCO PSA PARA SA 1,800 MW POWER SUPPLY IHINTO

112523 Hataw Frontpage

HINILING ni Laguna Rep. Dan Fernandez (lone district, Sta Rosa) sa Energy Regulatory Commission (ERC) na agad ipahinto ang irregular terms na ipinatutupad ng Manila Electric Company (Meralco) para sa 1,800 MW ng suplay ng koryente dahil isa lamang itong panlilinlang.

Ayon kay Fernandez, dapat ipahinto ng ERC sa Meralco ang pagpapatuloy ng bidding hangga’t hindi nabubusisi at napag-aaralan ang terms of reference (TOR). 

Iginiit ni Fernandez, masusing pag-aaral sa TOR na dapat ay magpakitang hindi anti-competitive at discriminatory.

Magugunitang nauna nang inilarawan  ni Fernandez ang Meralco bilang monopsony na nakikinabang lamang sa sitwasyon dahil iisa lamang ang buyer nito.

Sa pagdinig ng House committee on legislative franchise nitong Miyerkoles, 22 Nobyembre, inihayag ni Fernandez, ang imbitasyon ng Meralco sa bidding ng 1,800 MW power supply agreement ay para lamang sa power plants na nagsimulang mag-operate nang mas maaga sa 22 Enero 2020 dahil sila lang ang kalipikado.

“Your invitation to bid was for 1,800 MW, your provision for your power supply agreement calls for 1,800 MW and if I may read, what you also said in that provision of your bidding — single or portfolio plant provided a power plant should be in commercial operation not earlier than January 22, 2020,” ani Fernandez.

Ani Fernandez, nagpapatunay ito na ang Meralco ay isang monopsony dahil tiyak marami sa power plant ang hindi maaaring makasali.

“You have said in your power supply agreement in the bidding, hey power plants that have not started operations in January 2020 to May 2025, you can’t join, you are all excluded. That is trademarking, that is branding. That’s tailor fitting, that’s illegal in accordance with the PCC (Philippine Competitive Commission) and international agreement which states that trademarking is prohibited,  it does not allow ‘tailor-fitting’,” giit ni Fernandez.

Dahil dito, sinabi ni Fernandez, sa prosesong ito na gusto ng Meralco ay nawawala ang pagkakaroon ng competitive selection process (CSP).

“Your responsibility to us (is only as) a distribution utility only.  You have to get least cost. How can you get least cost if many power plants are excluded?” dagdag ni Fernandez.

Tinukoy ni Fernandez, sa ilalim ng CSP rules ay mayroong dalawang duration, ito ay ang short at long terms pagdating sa usapin ng terms of power sharing.

Sa short term contracts ay kalimitiang ipinagkakaloob sa mga existing power plants samantala ang long term ay para naman sa mga bagong power plants.

Sa naturang pagdinig ay pinaalalahanan na din ng ERC ang Meralco laban sa anti-competitive practices partikular sa CSP para sa 1,800 MW supply.

Maging si ERC chairperson Monalisa Dimalanta ay sinabihan ang Meralco na hindi nito dapat limitahan ang bilang ng mga bidder na nagpadala na ng sulat sa Meralco at magkaroon ng published bid invite.

Sa kasalukuyan ay mayroong posibleng bidders para sa CSP, ito ang GNPower Dinginin (GNPD), First NatGas Power, SP New Energy, Mariveles Power Generation, Excellent Energy Resources, at Masinloc Power Partners.

Iginiit ni Dimalanta, bilang regulatory ng power ay obligado silang humikayat na ipatupad ang kompetisyon, market development, ensure customer choice, at parusahan ang mga umaabuso sa market power sa industriya.

Nauna nang tinukoy ng mambabatas na ang TOR para sa 1,800 MW supply bid ay tiyak na papabor lamang sa mga power plant companies na may operation na noon pang Enero 2020 hanggang Mayo 2025.

“That is also our concern,” ani Dimalanta sa pagdinig.

“We hope Meralco will be conscientious and not only think of profits,” ani Coloocan Rep. Dean Asistio (3rd district). (HATAW News Team)

About hataw tabloid

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …