Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alden Richards Sharon Cuneta Gabby Concepcion

Sharon-Gabby reunion concert makatulong kaya sa Sharon-Alden movie?

IYON bang naging tagumpay ng Sharon Cuneta-Gabby Concepcion reunion concert ay matangay nga ni Mega hanggang sa pelikula nila ni Alden Richards? Sana nga pakinabangan niya iyon, dahil kung silang dalawa lang ni Alden, hindi malayong magaya rin iyan sa resulta ng mga pelikulang kasama niya sina Richard Gomez at Robin Padilla, or worst gaya lang ng pelikula nila ni Marco Gumabao, na tinalo pa ni Angeli Khang.

Kailangan pakiusapan din naman ni Sharon ang kanyang pamilya, ang asawa niyang si Kiko Pangilinanat ang anak na si Frankie na huwag munang gagawa ng negative reaction sa pagtatambal nilang muli ni Gabby, or else paano niya makukuha ang suporta ng Sharon-Gabby fans na napakalakas pa nga hanggang ngayon?

Kung walang suporta ang mga iyon , aba eh hindi natin masasabi ang kalalabasan ng Sharon-Alden movie.

Si Alden din naman, nawala ang malakas na support ng AlDub Nation, na sumusumpang hindi sila susuporta sa alin mang projects nina Alden at Maine Mendoza, maliban kung sila ang magkatambal. Kung sa bagay, mukhang walang problema riyan dahil hindi naman maaapektuhan ang asawa ni Maine na si Arjo Atayde. Kung noon ngang dalaga si Maine hindi naligawan ni Alden, ngayon pa bang may asawa na, at saka maliwanag na hindi si Maine ang gusto ni Alden.

Pero kalimutan na muna natin iyang AlDub, ang dapat nating masagot ay kung makukuha nga kaya ng mag-nanay na Sharon at Alden ang suporta ng publiko? Parang nalalabuan kami dahil ang hinahanap nila kay Sharon ay si Gabby. Ang hinahanap naman nila kay Alden ay si Maine. Kung wala ang kanilang fan base, ano nga ba ang kalalabasan ng pelikula? Alam naman ninyo ang festival, basta hindi masyadong kumita ng first three days mababawasan na ng sinehan iyan at ang matitira ay iyong malalayo at tagong sinehan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …