Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
LA Santos Maricel Soriano

LA Santos itinulak si Maricel

ni Allan Sancon

HINDI na talaga mapigilan ang pagsikat ng magaling na singer na si LA Santos dahil bukod sa pagkanta ay unti-unti na rin siyang gumagawa ng pangalan sa larangan ng akting.

Matapos mapansin ang galing niya bilang actor sa phenomenal fantaserye ng ABS-CBN na Darna ay bibida siya sa pinag-uusapang drama film na In His Mother’s Eyes.

Gagampanan ni LA ang role ng isang special child na pinag-aagawan ng dalawang magulang na pagbibidahan naman nina Maricel Soriano at Roderick Paulate

Reunion project ito nina Maria at Kuya Dick na ang huling pelikula pa ay ang Gorio at Tekla noong 1989. Na miss nila ang isa’t isa kaya nang ini-offer sa kanila ay project na ito ay hindi sila nagdalawang isip na tanggapin.

Pinuri rin nang husto nina Maria at Kuya Dick ang acting ni LA sa pelikulang ito dahil talaga namang pinaghandaan niya rin ang role.

Aabangan sa pelikula ang matinding sampalan nina Kuya Dick at Maria. Maging ang pagtulak ni LA kay Maria na halos mabuwal ito sa lakas ng tulak.

Natanong namin kung kamusta ang eksena  na ‘yun kasama si Maricel?

Totoo po ‘yun, napalakas po ‘yung tulak ko kay Inay Maria kasi sabi n’ya ‘wag daw akong matakot at totohanin ko kaya ginawa ko naman po. Natakot nga po ako na baka mabuwal siya,” saad ni LA.

Anong naging reaction ni LA na nakasama ang dalawang great actor na sina Maricel at Roderick?

It’s an honor, noong una kabado ako dahil siyempre magaling silang actors. Pero napaka-generous nilang actor, they support me sa aking role,” kuwento ni LA.

Hindi pa man nagsisimula ang pelikula ay pinag-uusapan na ng netizens dahil sa ganda ng trailer.

Kasama sa pelikula sina Ogie Diaz, Ruby Ruiz, Maila Gumila,  Elyson De Dios, Vivoree Esclito and many more. Directed by FM Reyes showing this November 29, 2023 in cinemas nationwide.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …