Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Brian Bilasano

Sa continous manhunt utos ni MPD Chief…
9 PUGANTE ARESTADO NA NG MPD!

BALIK-KULUNGAN  na ang siyam na inmates na tumakas sa detention facility ng Manila Police District(MPD) Station 1 makaraang madakip sa loob ng limang araw na manhunt operation sa ibat-ibang lugar sa NCR at karatig na probinsya.

Ayon sa ulat na nakrating kay NCRPO Regional Director PBGen Jose Melencio Nartatez Jr mula kay MPD Acting District Director PCol Arnold Thomas Ibay, Arestao ang pang- siyam na pugante na si Emerson Tumbaga alyas Bunso miyembro ng Sptunik Gang ay naaresto sa isang SBUC Compound Soldier Hills Narra Street Molino Road Bacoor Cavite.

Nadakip ang si alyas Bunso sa Joint Manhunt Operation ng mga operatiba ni MPD Chief PCol Ibay na pinangunahan ni DSOU chief PMaj Edward Samonte at personal na pinangasiwaan ni District Intelligence Division Deputy PltCol John Guiagui, DPIOU at MPD Station 1.

Sa tulong ng ina ni alyas Bunso ay nagkaroon ng lead ang mga operatiba patungkol sa kinaroroonan ng suspek.

Nakipagtulungan rin sa ina ang live-in partner ni Tumabag na kasama sa pinagtaguang lugar nito sa Cavite.

Sa isingawang operasyon. Nagsilbing mata at tenga para sa pulisya ang live-in partner nito na si alyas Tina na siyang kausap ng ina ni Tumbaga bago ikasa ang operasyon.

Eksklusibong kasama ang HATAW sa naging operasyon nang maghanap ng MEDIA ang magulang ni Tumbaga upang matiyak ang seguridad sa paghuli sa pang siyam na puganteng si Tumbaga.

Naging maayos ang operasyon at naibalik sa MPD ang subject.

Matatandaan na noong Nobyembre 8 pasado ala-1 ng madalaing araw ay tumakas ang siyam na preso sa piitan ng MPD Station 1 gamit ang damit na pinangdistrongka ng lumang bakal sa nasabing kulungan.

Dahil dito, Hindi naman tumigil ang MPD sa pagtugis sa mga pugante alinsunod sa mahigpit na kautusan ni MPD chief PCol Ibay partikular na ang dating Station Commander ng Prisinto Uno na si PltCol Roberto Mupas.

Sa kasalukuyan, Balik Rehas na ang siyam na pugante na sina GIAN CARLO RAYALA y JUMILLA, nakulong sa kasong  RA 9165; ARNOLD OLINO y BRUNO,  RA 10591 in relation to BP 881; MJ TUAZON y BIGONIA, RA 9165; ALBERT CALAYAS y CRISOSTOMO, RA 9165; 5. ADRIANO ZILMAR y BACALLAN, RA 9165; JERICHO ANTIPUÊSTO y ANDAL, RA 10591; JOHN JOSEPH LAGUNA y MARTINEZ, RA 9165: MASTER CEDRIC ZODIACAL y MARTINEZ,  Robbery; at ang pinakahuli sa nadakip na si JEFFERSON BUNSO TUMBAGA y SAPA, Nakulong sa kasong 10591 in relation to BP 881.

Base sa pahayag ng mga naunang naaresto ay si alyas Bunso anila ang mastermind sa pagtakas, bagay na itinanggi nito nang masakote na rin ng pulisya.

Samantala, Nagsagawa ng agarang reshuffle si MPD Chief PCol Ibay kung saan ang dating Station Commander ng Raxabago Police Station 1 na si PltCol Mupas na naging hands-on rin sa Oplan Pagtugis ay pinalitan ni PltCol Melvin Florida Jr. na mamumuno ngayon sa mga Pulis-Tundo.

Nagsagawa rin ng balasahan ang bagong liderato ng Prisinto Uno lalo na sa personnel ng Jail at mga sarhento-de-mesa. (BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …