Sunday , December 22 2024

Sa anibersaryo ng P7-M cocaine sa Rizal  
P.8-M COCAINE MULING ‘NAPULOT’  SA PALAWAN

110923 Hataw Frontpage

ni ALMAR DANGUILAN

TINATAYANG P800,000 halaga ng cocaine na nakabalot sa plastic bag ang napulot ng isang concerned citizen sa baybayin ng Narra, Palawan noong Linggo, 5 Nobyembre.

               Batay sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Palawan Provincial Office, isang concerned citizen ang naglalakad sa baybayin ng Purok Pagkakaisa, Brgy. Calategas, Narra, Palawan, nang mapansin nito ang waterproof fabric bag at nang mabuksan ay bumungad dito ang white powdered substance.

Agad isinuko ng nakapulot ang bag sa mga awtoridad at nang suriin sa labolatoryo ng mga forensic expert ay natuklasan na cocaine ang laman nito na tinatayang may timbang na mahigit sa 144.1016 grams.

Ang insidente ay ‘nagkataong’ gaya ng naganap noong isang taon, 8 Nobyembre 2022, na isang mangingisda ang nakakuha ng isang package sa karagatan ng Rizal, Palawan, naglalaman ng P7-milyong halaga ng cocaine.

Magugunitang noong isang taon, iniulat ng pulisya sa Palawan, habang  sila’y nagpapatrolya sa karagatang sakop ng mga barangay ng Latud at Taburi, nakatanggap sila ng impormasyon mula kay Taburi councilor Annaliza Magdayao na isang mangisngisda ang nakatagpo sa package.

Sinabi noon ni Rizal police chief, Major Thirz Starky Timbancaya, tinanong nila ang mangingisda kung may nakitang mga marka na maaaring magbigay ng palatandaan kung saan nanggaling.

Aniya, “maaari umanong itinapon ito kung saan at napadpad ng alon sa nasabing lugar.”

Hinihinalang bukod sa pinakahuling natagpuang  cocaine ay may iba pang mga kasama na katulad nito ang posibleng ipinaanod din ng mga drug syndicate mula sa ibang lugar o bansa.

Maaari umanong ito ay itinapon sa dagat na may GPS (global positioning system) para madaling matagpuan ng kukuha nito.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng PDEA upang mabatid kung saan nanggaling ang nasabing droga.

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …