SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
MAGAGANAP na sa Nobyembre 10 ang isang espesyal na concert na magtatampok sa isang napakahalagang manunulat ng kanta. Yes isang concert na bibigyang halaga naman iyong sumusulat ng kanta.
Ang tinutukoy namin ay ang kilala at marami nang pumatok na awitin, si Rox Santos na nagdiriwang ng kanyang ika-15 anibersaryo.
Ang The Rox Santos 15th Anniversary Concert ay mapapanood sa Music Museum sa November 10, 8:00 p.m..
Si Rox, ang head ng StarPop, sub-label ng Star Music, ang behind-the-scenes music executive at talent, ay isa ring record producer at songwriter. Katunayan, marami na sa mga naisulat niyang kanta ang nag-hit na kinanta ng mga kilala at sikat na singers.
Kaya naman sa kanyang concert, mapapanood sina Vice Ganda, Erik Santos, Kyla, Juris, Maymay Entrata, at Kakai Bautista.
At may special guest pa na ayaw pa niyang sabihin.
“My heart is filled with gratitude. I’m inviting everyone to celebrate this milestone with me,” ani Rox.
Sa kabilang banda, si Rox din ang dahilan para makilala ang ibang singer sa pamamagitan ng kanyang komposisyon.
At aminado siyang iba ang saya kapag naghi-hit ang kanta at the same time nakatutulong siya para makilala pa lalo ang kumanta.
“Sobrang saya. Iba fulfillment wow nagkaroon ng buhay awitin mo. Nata-touch mo ‘yung life ng tao. Parang wow amazing sobrang powerful talaga ng music. Lalo kapag naka-relate ang tao,” anang songwriter.
“Iba talaga ang music. Sobrang powerful. Pwede ka dalhin sa iba’t ibang lugar, magiging platforms siya,” dagdag pa.
Si Rox ang kasamang sumulat ng ilan sa mga awitin ni Vice Ganda na Wag Kang Pabebe, Boom Panes,at Corona Ba-Bye Na.
“Hindi lahat nabigyan ng ganito. Thankful ako ‘yung mga nasulat at na-produce ko na song ay naging parte ng buhay ng artist and mas fulfilling sa pakiramdam lahat ng tao kinakanta mga ginawa mo,” sabi pa ni Rox.
Kasama rin sa mga mapapanood sa concert anniversary ni Rox ang Agsunta, gayundin si Alexa Ilacad, ang Bini, sina Klarisse, Jeremy G, ang 1621BC Anji Salvacion, Annrain, Bryan Chong, Cesca, Drei Sugay, KD Estrada, Kice, Khimo, Lyka Estrella, Trisha Denise.
Kasabay ng pagdiriwang ng anibersaryo ni Rox ang pagri-release rin ng anniversary album.
“Nag-release na ang Star Music ng first song sa anniversary album ko – ‘yung version ni Kyla ng ‘Hanggang Kailan.’
Ang Hanggang Kailan ay orihinal na kinanta ni Michael Pangilinan na talaga namang kinagiliwan. At tulad ng pagtangkilik kay Michael balitang maganda rin ang naging pagtanggap ng publiko sa version ni Kyla.
“Combination siya ng mga old songs ko na reimagined. It’s a collaboration with different songwriters and artists,” esplika ni
Rox sa kanyang anniversary album.
Ilan pa sa mga komposisyon ni Rox ang Rampa ni Vice Ganda, Miss Manila ni Angeline Quinto, Nasunog ng Khimo, “
Hilom ni Moira Dela Torre, at Road Trip ni Belle Mariano.
Kaya watch na kayo ng concert ni Rox Santos sa Nov 10 sa Music Museum dahil tiyak masisiyahan kayo sa mapapanood ninyo.