IKINASA ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) ang libreng training para sa mga nanggaling mula sa Israel.
Ang libreng training sa OFWs ay para sa mga naapektohan ng gulo sa pagitan ng Israel at ng grupong Hamas.
Ayon kay TESDA Secretary Suharto Mangudadatu, umabot sa 62 ang nakauwing OFWs na nabigyan ng certificate of scholarship grant commitment.
Maaaring ipakita sa pinakamalapit na tanggapan ng TESDA para makakuha ng pagsasanay para sa kanilang sarili o para sa kani-kanilang beneficiary.
Hinihikayat ni Mangudadatu ang mga repatriated OFWs gayondin ang kanilang mga dependents na magparehisto sa TESDA online program. (GINA GARCIA)