Sunday , November 17 2024
Warrant of Arrest

1k+ flying voters sa Pasay inisyuhan ng warrant of arrest

NASA higit isang libong “flying voters” sa Barangay 97 sa lungsod ng Pasay ang inisyuhan ng warrant of arrest.

Minomonitor ng Commission on Elections (COMELEC) at Philippine National Police (PNP) ang posibilidad na pagsulpot ng mahigit 1,000 na “flying voters” sa Barangay 97 sa lungsod sa kasagsagan ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ito ay matapos na maglabas ng warrant of arrest ang Pasay City Regional Trial Court (RTC) laban sa mga tinukoy na indibiduwal.

Ipinakita ni Christian Barcenas,isang Comelec Poll watcher sa Brgy. 97 at isa rin  witness sa korte para sa criminal charges na isinampa sa mga flying voters, ang dokumento ng warrant of arrest na inisyu ng Pasay RTC Branches 114, 115, at 117.

Ayon dito, natukoy na pawang mga sa residente ng Grace Park, palibot ng sementeryo sa Brgy. 120 sa Caloocan City ang mga flying voters.

Sabi pa ni Barcenas na isang “alyas Manny” sa Caloocan ang contact person at recruiter ng mga sinasabing flying voters at ginamit na address sa lungsod ng Pasay ang area sa hagdanan ng LRT.

Aniya, posibleng bumoto sa kanilang polling precinct ang mga natukoy na flying voters subalit agad silang aarestuhin pagkatapos bumoto sa bisa ng citizen arrest kung walang mga pulis.

Dagdag pa nito na isang babae ang nagtangkang bumoto gamit ang isang pangalan na matagal nang namatay kung saan dali dali itong nakaalis.

Sa dokumento nakasaad na may P50,000 na nakalaang piyansa sa bawat indibiduwal na mahuhuling flying voters na inisyuhan ng warrant. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …