MARAMI talagang mga Filipino ang hindi pinalad at nangangailangan ng tulong.
Magmula nang inilunsad ang FB public service program ng social media influencer na si Wilbert Tolentino na Dear Wilbert ay hindi na tumigil ang mga sulat na dumarating na dumadaing at naglalambing ng ayuda at tulong kay Ka-Freshmess.
Sa 4th episode ng Dear Wilbert ay isang magulang ang madamdaming sumulat para ihingi ng saklolo ang kanyang anak na lalaki.
Bata pa ang anak ng letter sender nang nalaman nila mula sa isamg surgeon na ito pala ay tinamaan ng bone tumor.
Ang akala kasi ng letter sender ay simpleng pagkakadapa lang ang nangyari sa kanyang anak kaya ipinahilot na muna ito ngunit sa huli, nang hindi pa rin gumagaling ay kumonsulta na sila sa espesyalista at nalamang may crack ang buto.
Sa sulat ng letter sender kay Wilbert, binanggit niya na kakailanganin niya ng P75k upang maipagamot ang kanyang anak na lalaki.
Gaya ng ating national hero na si Jose Rizal ay naniniwala si Wilbert na ang kabataan ang pag-asa ng ating bayan kaya naman naantig siya sa hinaing ng magulang at nangako na bibigyan niya ng P75K ang letter sender bilang tulong sa pagpapagamot ng anak na nabalian ng buto sa paa.
Binanggit din ni Ka-Freshness na ilalapit niya ang problema ng letter sender sa isang organisasyon na Ahon Mahirap para lalo pa itong maayudahan.
Prayers lang na good health ang hiling ni Wilbert upang marami pa siyang matulungan.
Tuloy-tuloy ang pagtatampok ni Wilbert ng mga bagong istorya sa Dear Wilbert na patuloy na nagte-trending sa socmed.
Sa mga taong nais na dumulog at ihinga ang kanilang problema sa Dear Wilbert, makipag-ugnayan sa FB Page ni Wilbert Tolentino, makipag-ugnayan sa FB admin at ilahad ang inyong istorya.
Abangan ang mga susunod pang nakalulungkot na istorya sa Dear Wilbert na agad na magbibigay ng ayuda si Ka-Freshness kasama na rin ang kanyang words of wisdom upang patuloy na harapin at labanan ang mga hamon sa buhay.