Monday , December 23 2024
marjorie Barretto Kier Legaspi Dani Barretto

Kier ipinagtaka paglayo ni Dani sa kanya

MATABIL
ni John Fontanilla

IPINAGPASA-DIYOS na lang ni Kier Legaspi ang tungkol sa problema nila ng anak niya kay Marjorie Barretto, si Dani Barretto.

Tsika ni Kier, “I’m just here, if you need me, ang relationship ko sa kanya, ipinasa-Diyos ko na lang.”

Matagal nang walang komunikasyon si Kier kay Dani. Nagtataka nga ang aktor dahil sa pagkakaalam nito ay wala siyang atraso sa anak.

Noong time nga na magkaproblema ito sa bahay nila ay sa kanya ito tumakbo at noong bumalik kay Marjorie ay naputol muli ang kanilang pag-uusap.

Dagdag pa ni Kier,  “Open ang line ko, I’m just here. Ito naman talaga ang obligasyon ng magulang na mahalin ang anak kahit anong  mangyari. 

“And take note, vice versa kahit naging masama o mabuti ang magulang mo rerespetuhin mo ‘yan, mamahalin mo ‘yan dahil kung wala ang magulang mo hindi kayo mabubuhay.”

About John Fontanilla

Check Also

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Vilma Santos Ed de Leon

Kaibigan ni Ate Vi at Hataw columnist Ed de Leon sumakabilang buhay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAGUGULAT at nakabibigla ang mga pangyayari noong Wednesday. Sabay-sabay na sumambulat …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …