HARD TALK
ni Pilar Mateo
IBANG klase rin ang banat ng bunso ni Maribel o Lala Aunor na kapatid ni Marion, na si Ashley. Rakista ang dalaga. Pero sinisiguro nito na ang mga kantang binabanatan niya eh, hindi lang may aral kundi relevant sa ikot ng panahon.
Tuwang-tuwa ang mga nakarinig sa kanyang orihinal na kantang Mataba sa launching ng kanyang mga kantang mapakikinggan na sa sari-saring music platforms.
The song is about body shaming. At ang Ashley o si Cool Cat Ash eh, perform to the hilt. Na may pasabog. Naka-one piece glittering bathing suit ito.
In-enjoy ni Cool Cat Ash ang kanyang kaarawan kapiling ang mga kaibigan ng pamilya niya sa media with her performances at jamming with the Workshop Band at ng ilang guests na nagpaunlak with their songs like Jannah Zaplan and John Gabriel.
Isa sa kanta ni Cool Cat Ashley ay ang I Find Live So So Weird. Labintatlong kanta na nga ang nagawa nito. Na siya rin ang nag-engineer at three years in the making.
Limang taon pa lang naman kasi si Cool Cat Ash eh, nakagagawa na siya ng tunog niya, sila ng kanyang Ate Marion. Na kanyang bestfriend. Pero they don’t talk much about love.
Natuwa at natawa naman ang press sa birthday wish ng ina sa anak. Na magka-lovelife na ito. At nagpahiwatig na kung anuman o sinuman daw ang gustuhin nito (babae man o lalaki) eh, walang magiging problema.
Crush niya si Daniel Padilla. Gustong maka-collab ang darating sa bansang si Ed Sheeran. At 26, bukod sa pagkanta, she’s considering din na maka-arte sa TV o pelikula. Sa action-comedy! Na mala-Jackie Chan. She’s also a film scorer. At ang isa pa niyang iniidolo eh, si Sampaguita. Rakrakan nga.
With Cool Cat Ash’s well-rounded personality, hindi malayong lumapit ang mga posibilidad sa mga hiling niya ngayong umaariba na siya sa Star Pop at Star Music as their artist.
At sumisige rin ito sa kanyang advocacy of self-love.
Pakinggan niyo ang Mataba. Makare-relate ka. Nagustuhan namin ang LSS feels nito. Pero siyempre tangkilikin din ang I Find Love So So Weird.
Si Cool Cat Ash na ang tiyak na susubaybayan ng madla dahil sa matapang niyang pagbabahagi ng kanyang craft.
Ibang klase ng Aunor ito.