Sunday , December 22 2024
Vilma Santos Christopher De Leon When I Met You in Tokyo 

Vilma Santos sobra-sobra ang excitement sa When I Met You in Tokyo 

MASAYANG- MASAYA ang cast at crew ng pelikulang When I Met You in Tokyo ng JG Productionsmatapos mapabilang bilang isa sa sampung entries sa Metro Manila Film Festival 2023. Ang pelikula ang balik-tambalan ng King of Philippine Drama na si Christopher De Leon at ng ka-love team noong dekada ’70 na si Star for All Seasons Vilma Santos.  

“Here we are, thanking God above all in allowing us to get this far for a start,” ani Rajan Gidwani, isa sa mga producer. Inalala niya kung paano nagsimula sa isang idea noong isang taon kasama ang partner na si Rowena Jamaji. Naisipan nilang lutuin ang isang plano para palakasing muli ang Philippine cinema. “It has been a journey especially after two of the country’s top actors decided to accept the lead roles,” aniya. 

Kaya naman bukod sa mga bida, binigyang-pugay ni Rajan ang buong team ng production at iginiit na hindi magiging posible ang pagsasabuhay sa proyekto kung wala sila.

“This is the beginning of IG Productions to continue to bring the best of Filipino cinema to the screens. At the helm of it all and with all the pains of putting together the biggest event in her career, Ms. Redgie Magno, has pushed the limits of her own self in making ‘When I Met You in Tokyo’ a reality,”  sabi pa ng masayang producer. 

Sinabi pa  ni Rowena na kikilalanin ang malaking ambag ng mga direktor na sina Rado Peru, Rommel Penesa, at ng lead actor na nagsilbi ring associate director, si Boyet. “Our movie directors, Rado and Rommel, along with Boyet, saw through the script and painstakingly brought our movie to life. 

Ang When I Met You in Tokyo ay isinulat ni Suzette Doctolero at ang Director of Photography ay si Shayne Sarte, LPS.

Ang JG producers ay excited din na mapabilang ang movie sa Manila International Film Festival na gaganapin naman sa Enero 30 hanggang Pebrero 2, 2024.

Samantala, hindi rin naitago ni Ate Vi ang kasiyahan nang mabalitang kasama sila sa MMFF. “Thank God! Thank you, MMFF, for the trust! Teamwork and movie na ito!.  

“Very simple love story but beautiful!” pagtitiyak ni Ate Vi na hindi lamang kilig at saya ang hatid ng When I Met You in Tokyo. “May mga lessons din kasi ang movie [like] love has no boundaries, forgiveness, and moving forward in love and life. Simple but beautiful! Let’s fall in love.”

Naibahagi pa ni Ate Vi na, “Haping-haping-happy! Sobra-sobra. Naliligayahan ako kasi medyo matagal ang preparation namin at hirap sa movie at ngayon we are so blessed na sa dami ng pumasok ay nakasama ang ‘When I Met You in Tokyo.’

I’m very thankful sa MMFF at sa lahat ng nagdasal na makapasok tayo.

“Maganda ‘to. ‘Yung ‘When I Met You in Tokyo’ noong ginawa ito, pinag-isipan din namin ni Boyet at ng team na gumawa tayo ng very simple pero beautiful love story na magugustuhan ng manonood na hindi mahihirapan ang dibdib, hindi madramang-madrama sa panahon. It’s a very simple and beautiful love story lalo na para sa may mga edad na magre-retire na.” 

Sinabi rin ng Star for all Seasons na mahalaga ang aral na dala g pelikula. Aniya, “Love has no boundaries here. Maski bata ka o middle-aged o senior citizen, you can still fall in love!”

“It’s nice to be in love.” sabi ni Ate Vi. “Sa lahat ng bagay na ginawa ko sa buhay ko, palagay ko ang susi ay mahal ko ang pamilya ko, mahal ko career ko. Noong ako ay public servant, mahal ko ang mga tao. Babagsak pa rin talaga sa love. 

“It’s really hard to be 35 and gorgeous,” pabirong sabi pa ni Ate Vi. “Hindi na rin tayo ganoon kabata pero I’m really excited dahil matagal na rin akong hindi nakasali so MIMFF.”

Tiniyak din ni Ate Vi na sasama siya sa inaabangang Parade of Stars na ginaganap sa unang araw ng MMFF. Inalala nga nito ang mga nakaraang pagsali at pagkapanalo sa festival. “Iniikot namin talaga ang Manila para sa parada. Ang saya-saya ng affair na ‘yan!.,” 

Ikinatuwa rin ng premyadong aktres ang nalalapit nilang pagkikita ng kanyang mga tagasuporta. “I will be seeing people again! Makikita ko na naman ang mga fan. Nakae-excite lalo na after pandemic. Ito ang chance makita ulit ang crowd, ang tao! Sana ma-excite rin sila para sa amin.”

Abangan ang When I Met You in Tokyo ngayong December 25 sa Metro Manila Film Festival

About hataw tabloid

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …