MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI nagustuhan ng mga loyal supporter ni Nadine Lustre ang pag-etsapuwera sa pelikula nitong Nokturno ng pamunuan ng Metro Manila Film Festival.
Hindi nakasama sa sampung entries ang pelikulang Nokturno ni Nadine at ang mga pelikulang pumasok sa MMFF 2023 ay ang Becky and Badette, Broken Heart’s Trip, Firefly, Gomburza, Mallari, When I Met You In Tokyo, Family of Two (A Mother and Son’s Story), K(Ampon), Penduko, at Rewind.
Ilan sa reaksiyon ng mga tagahanga ni Nadine ang mga sumusunod:
“Most Requested Horror Film ang Nokturno but still di nakapasok for MMFF 2023?! Disappointed & sad but still gonna watch it.”
“Anong joke to mmff??? NOKTURNO EXCLUDED?? OH TALAGA BA??? kakagigil kayo for real.”
“So weird snubbing nadine nokturno, when last year deleter is the best grossing film and gathered lots of award. idk what’s the concept this year.”
“Hoy? hindi pasok nokturno sa mmff?? !”$#5(&@.”
“Nadine was robbed off from a possible back-to-back win.”
“This is not acceptable!!! anong silbi ng mga votes and promotions namin kung na snubbed lang ng ganun mga gusto namin makapasok like #nokturno sana 😏 ang unfairrr “