Monday , December 23 2024

Miyembro ng CPP-NPA sa Bulacan sumuko

Boluntaryong sumuko sa tropa ng pamahalaan ang isang miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa Malolos City, Bulacan kamakalawa.

Batay sa ulat kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office (BULPPO), ang sumuko ay kinilala bilang si Alyas Ka Ome, 32, mangingisda, miyembro ng Rebolusyonaryong Hukbong Bayan (RHB), na kumikilos sa coastal areas ng Bulacan, Bataan, Pampanga, at Zambales. 

Napag-alamang siya ay nakumbinsing sumapi sa nabanggit na rebeldeng grupo sa paniniwalang reporma sa gobyerno at makamit ang pantay na karapatan at katarungang panlipunan.

Ayon sa Force Commander ng 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC), sumuko si Alyas Ka Ome sa  Camp Alejo S Santos, Brgy. Guinhawa, Malolos, Bulacan, sa magkasanib na mga elemento ng 1st PMFC, Bulacan PIU, 2nd PMFC, 301st MC RMFB, 24th SAC, 2SAB PNP SAF, at 70IB PA.

Isinuko rin ni Alyas Ka Ome ang isang hindi lisensiyadong cal..38 revolver na walang serial number at dalawang pirasong bala.

Ang sumukong rebelde ay kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng 1st PMFC para sa imbestigasyon at custodial debriefing.{Micka Bautista}

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …