Monday , December 23 2024
arrest prison

  Mahigit 2 libong pugante sa Central Luzon nai-selda

Dahil sa walang patid na pagtugis ay naaresto ng kapulisan mula sa  Police Regional Office 3 ang mahigit dalawang libong pugante sa Central Luzon na may matitinding pagkakasala sa batas.

Ayon kay PRO3 Regional Director PBgeneral Jose s Hidalgo Jr., mula Hulyo 1 hanggang Setyembre 30, 2023, ang mga operatiba ng  PRO3 ay matagumpay na nadakip at nai-selda ang kabuuang 2,223 pugante.

Ang 339 dito ay nasa kategoryang most wanted persons na kabilang sa 12 regional-level, 41 provincial-level, at 286 municipal-level na most wanted individuals.

Ipinahayag ni PBGeneral  Hidalgo Jr ang kanyang malalim na pasasalamat sa masisipag na operating units para sa kanilang walang humpay na pangako na dakpin ang lahat ng wanted individuals sa kanilang nasasakupan.{Micka Bautista}

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …