Wednesday , April 2 2025
arrest, posas, fingerprints

Lola, hinoldap ng 4 bagets

ARESTADO ang apat na kabataang lalaki matapos palibutan at holdapin ang isang babaeng senior citizen na sakay ng kanyang e-bike sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni P/SSgt. Edison Mata kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, naganap ang insidente sa Pama-SawataB, Brgy. NBBS Dagat-dagatan, dakong 2:30 am.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon, sakay ng kanyang E-bike ang biktimang si Lourdes Dela Rosa, 69 anyos, household vendor ng Block-13, L25, PH2 A3, Dagat-Dagatan, Brgy. Longos, Malabon City nang harangin siya at palibutan ng apat na kabataang lalaki, edad 15, 16 at 17, pagsapit sa nasabing lugar.

               Tinutukan ang biktima ng patalim ng isa sa mga suspek sabay pahayag ng holdap at sapilitang kinuha ang kanyang shoulder bag na naglalaman ng iba’t ibang ID’s, isang bank ATM card, cellphone, citizen watch at P300 cash.

Matapos ito, mabilis na tumakas ang mga suspek habang humingi ng tulong ang biktima sa mga tauhan ng Navotas Police Sub-Station na nagpapatrolya malapit sa lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa apat na menor-de-edad at nabawi sa kanila ang tinangay nila sa lola.

Nasa kustodiya ng Bahay Pag-Asa Navotas City ang apat na kabataang suspek na nakatakdang iharap sa inquest proceeding sa Navotas City Prosecutor’s Office dahil sa paglabag sa Article 293 of RPC (Robbery). (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

SUMIKLAB ang galit ng mga lokal na residente kaugnay sa viral video ng isang backhoe …

Duterte ICC

Para sa pagsusulong ng Crime Against Humanity
1 KASO NG MURDER SWAK PARA LITISIN SI DUTERTE – ICC

HATAW News Team ISANG kaso lang ng pagpatay ay sapat na para lumarga ang Crime …

Myanmar

PH humanitarian team ipinadala sa Myanmar

BUMIYAHE na ang Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PHIAC) upang tumulong sa search, rescue, at retrieval …

COMELEC Vote Election

34 reklamo ng vote buying, vote selling inireklamo

INIULAT ng Commision on Elections (Comelec) na umabot sa 34 kaso ang mga iniulat sa …

Lisensya ng SUV at motorcycle drivers sa Antipolo road race, sinuspinde ng LTO

Lisensya ng SUV at motorcycle drivers sa Antipolo road race, sinuspinde ng LTO

PINATAWAN ng 90-araw suspensiyon ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensiya sa pagmamaneho ng SUV …