Friday , November 15 2024

ATM ng recruits naka-hostage sa Coast Guard

101123 Hataw Frontpage

TAHASANG inilantadang bagong recruits ng Philippine Coast Guard (PCG) para ireklamo ang sinasabi nilang ‘sistema ng katiwaliang umiiral’ sa simula pa lamang ng pagpasok nila sa naturang puwersa.

Sa magkakasamang tinig ng mga bagong graduate mula sa Northern Luzon, Visayas, at Mindanao region, ibinunyag na karamihan sa mga nagtapos sa PCG ay nagbabayad ng utang ng hindi bababa sa P138 hanggang P150,000 para sa kanilang mga ginamit na training gear.

Binanggit nilang naglaan ang pamahalaan ng P43,000 para sa training gear na magagamit para sa anim na buwan ng isang recruit ngunit dahil sa mga overpriced items at pagdagdag ng mga hindi naman kailangang kagamitan ay lumalagpas sa pondo ang PCG trainees.

Inihalimbawa ng mga recruits ang manipis na panyo na nagkakahalaga ng P350 at t-shirt na binili lamang kung saan pero pinabayaran pa sa kanila gayong dapat ay kasama sa P43,000 allocation ng pamahalaan.

Bukod dito, inireklamo rin ng mga recruits ang tinawag nilang ‘tila pangho-hostage’ ng kanilang mga ATM at pin code para umano direktang makaltasan ang kanilang mga sahod mula sa mga nautang nilang kagamitan.

“HIndi po namin nahahawakan ang ATM namin kasi nga po, sila ang may kontrol. Sila raw po ang hahawak para raw hindi maubos ang laman pero sa totoo lang po, inuubos na nila sa kaltas,” sabi ng mga recruits na tumangging magpabanggit ng pangalan.

Anila, ang iba sa mga recruits ay hindi na pinakikinabangan ang P25,000 entry salary dahil sa rami ng kaltas matapos ang kanilang training.

“Ako po, nasa P138,000 ang utang ko, hanggang ngayon ay nagbabayad pa ako kasi umutang kami sa mga lending firm na rekomendado rin nila para wala na kaming utang sa PCG training, tapos sa lending firm na kami magbabayad,” sabi ng isa sa mga recruit.

Taon-taon, ang PCG ay nagre-recruit ng aabot sa 4,000 bagong miyembro upang mapalakas ang puwersa ng mga nagbabantay sa mga karagatan ng bansa.

“May iba sa amin, nagsasanla pa ng lupa sa probinsiya o kaya nagbebenta ng mga kalabaw para talagang mabayaran namin ang mga utang sa Coast Guard. Kung hindi namin kasi mababayaran, hindi rin namin makukuha ang ATM namin,” anila.

Ibinunyag din nila ang pagkaltas ng P10,000 para sa ‘liberty’ o R&R nila kahit sa mga hindi naman gumamit ng private van sa paghahatid sa kanilang mga destinasyon.

“Mas madali raw kasi ang kuwentahan kapag lahat kami babawasan ng P10,000, wala naman kaming magawa, hindi naman namin puwedeng ikatwiran na hindi naman kami sumakay sa van,” dagdag nila.

Nanawagan ang PCG recruits kay Commandant, Admiral Artemio Abu na imbestigahan ang ganitong sistema ng katiwalian sa Coast Guard upang matigil ang umano’y mahabang panahong pang-aabuso sa mga bagong recruits sa kanilang hanay.

Wala pang pahayag ang pamunuan ng PCG kaugnay ng pagbubunyag ng mga bagong recruits sa anila’y mahabang panahon ng katiwalian sa ahensiya

(HNT)

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …