MATABIL
ni John Fontanilla
USAP-USAPAN at trending sa social media ang aksidenteng pag-hello ng “junior” ni Sen. Robin Padilla.
Biglang nakita ito ng ‘di sinasadya sa online selling session nila ng kanyang kabiyak na si Mariel Rodriguez- Padilla kamakailan.
Kasalukuyang nagpo-promote kasi ang mag-asawa ng isang food supplement na pareho nilang ineendoso.
Isini-shake ang naturang food supplement na nasa drinking container ng aktor/politiko nang bigla itong yumuko at dito na nga bumungad ang “junior ” nito na ‘di namamalayan, dahil wala pala itong suot na underwear at tanging thobe (Muslim robe) lamang ang nakabalot sa kanyang katawan.
Pero mabilis din namang nawala ang nasabing video at tahimik na lang ang mag-asawa at wala pang ibinibigay na pahayag tungkol sa nangyari.