Saturday , August 23 2025
Gun Fire

Ex-CSU ng Malabon namaril ng sekyu

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang security guard matapos barilin ng dating kawani ng Malabon City Security Unit (CSU) sa gitna ng kanilang mainitang pagtatalo sa loob ng ginagawang elevated parking area sa Malabon City kahapon ng umaga.

Mabilis na isinugod ng mga nakasaksi sa insidente ang biktimang si Vergilio Noynay, 48 anyos, residente sa Int. Gulayan, Brgy. Catmon, sa Ospial ng Malabon (OsMa) ngunit inilipat sa Tondo Medical Center (TMC) sanhi ng tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa katawan.

Kaagad tumakas ang suspek na  kinilalang si Ado Bonson, 56 anyos, dating kawani ng CSU, at tumatayong caretaker ng ginagawang parking area, sakay ng isang e-trike.

Batay sa pang-unang ulat na nakarating kay Malabon police OIC P/Col. Jay Baybayan, nagkrus ang landas ng dalawa na may matagal na umanong alitan sa elevated na lugar ng ginagawang parking area sa F. Sevilla St., Brgy. Tañong dakong 7:15 am at dito na naganap ang kanilang mainitang pagtatalo.

Sa salaysay sa pulisya ng mga nakasaksi, nakita nilang bumunot ng baril ang suspek at kaagad na pinaputukan ang biktima na duguang humandusay.

Nagresponde kaagad sa lugar ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 5 na pinangunahan ni P/Lt. Benedicto Zafra at kaagad nagsagawa ng follow-up operations ngunit bigo silang mahuli ang suspek. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Marilao Bulacan Police PNP

P2.3-M ‘hot meat’ nasamsam, 7 timbog sa Marilao, Bulacan

NASAKOTE ang pitong indibidwal matapos maaktuhan ng mga awtoridad na naglilipat ng kahon-kahong ‘hot meat’ …

Nueva Ecija PPO, PNP PRO3, Prison

Senglot naghuramentado, arestado

MABILIS na napigilan ng pulisya ang isang marahas at posibleng pagdanak ng dugo nang maghuramentado …

Philippine Drug Enforcement Agency PDEA

Drug bust sa Bulacan: 3 big time tulak nalambat

ARESTADO ang tatlong bigtime drug peddlers na pinaniniwalaang sangkot sa bulk distribution ng shabu na …

Pag-IBIG

Pag-IBIG Fund Investment Income Jumps 52% in First Half of 2025

Pag-IBIG Fund earned ₱4.27 billion from its investments in the first half of 2025, up …

Congress Hotshots UP University of the Philippines

Hotshots ng 20th Congress, nakipagsanib-puwersa sa UP para sa resilience at innovation

TINAGURIANG “Congress Hotshots” — sina Kinatawan Brian Poe (FPJ Panday Bayanihan Partylist), Javi Benitez (Negros …