MATABIL
ni John Fontanilla
AFTER 14 years sa showbiz, napapayag na ring magpa-sexy sa pelikula si Erin Ocampo.
Kuwento ni Erin, marami Ang nag-aalok sa kanya na magpa-sexy sa pelikula, pero lahat ay tinanggihan niya. Pero nang ng Goblin Films at mabasa ang iniaalok na pelikula, nagandahan ito sa story at agad-agad na umoo ito na gagawin iyon.
“Pagdating po sa pagpapa-sexy, this is my first time doing sexy talaga. I’ve been in the industry for 14 years already.
“This is the first time I’m doing kissing scene, love scene. For me, ibinigay ko po lahat. I gave my all.
“Actually wala po talaga akong plano (na magpa-sexy). I’m not into that.
“Marunong naman akong kumanta, sumayaw, gumagawa ako ng funny movies, nagda-drama ako. Pero noong nabasa ko ‘yung script, napa-oh ako. Sabi ko, gusto ko siyang gawin. Actually, noong sinasabi pa lang sa akin ‘yung story, sabi ko na agad, ‘tara gawin na natin.