Monday , December 23 2024
Piolo Pascual
Piolo Pascual

Piolo Pascual  host sa 6th The EDDYS ng SPEEd  
Gagawaran din ng Isah V. Red Award

MANINGNING tiyak ang Gabi ng Parangal ng 6th Entertainment Editors’ Choice o The EDDYS ngayong 2023 ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Bakit ‘ikaw n’yo? Ito’y dahil ang award-winning actor at Ultimate Leading Man na si Piolo Pascual ang magho-host sa ikaanim na edisyon ng The EDDYS

Sa totoo lang, hindi ito ang unang pagkakataon na magiging bahagi ng The EDDYS si Piolo dahil noong 2019, ginawaran ang kanyang production, ang Spring Films, bilang Rising Producer Circle Award.  

At ngayong taon, kabilang din si Piolo sa mga gagawaran ng Isah V. Red Award kasama sina Herbert Bautista at Coco Martin bilang pagkilala sa kanilang walang sawang pagtulong at pagbibigay ng inspirasyon sa mga kababayan nating nangangailangan.

Walong haligi rin ng entertainment industry ang bibigyan ng espesyal na pagkilala ng SPEEd para sa EDDYS Icons para sa hindi matatawarang kontribusyon nila sa industriya ng pelikulang Filipino.

Ang mga EDDYS Icon honorees ngayong taon ay sina Aga Muhlach, Richard Gomez, Gabby Concepcion, Niño Muhlach, Snooky Serna, Jaclyn Jose, Barbara Perez, at Nova Villa. 

Igagawad naman sa 6th The EDDYS ang Joe Quirino Award sa veteran  entertainment columnist, dating TV host at content creator na rin ngayong si Aster Amoyo.

Ang beteranong manunulat at dati ring entertainment editor na si Ed de Leon ang tatanggap ng Manny Pichel Award.

Producer of the Year naman ang Viva Films habang ang Rising Producer of the Year ang igagawad sa MavX Productions.

Magaganap ang 6th Entertainment Editors’ Choice sa Oktubre, 22, 2023 sa EVM Convention Center, 37 Central Avenue, Quezon City na ididirehe ng award-winning actor at filmmaker na si Eric Quizon.

Ihahatid ng Airtime Marketing Philippines na pag-aari ng event producer na si Tessie Celestino-Howard ang ikaanim na edisyon ng The EDDYS.

Magkakaroon din ito ng delayed telecast sa NET 25 na pinamumunuan ng Presidente nitong si Caesar Vallejos, sa Oktubre 28.

Ang annual event na ito na mula sa samahan ng mga entertainment editors sa Pilipinas ay nagbibigay ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga pelikula at personalidad na itinuturing na “best of the best” sa Philippine Cinema.

Mamimigay ng 14 acting at technical awards para sa 6th The EDDYS na pipiliin mula sa mga nominadong pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at ilang digital platforms noong 2022.

Ang SPEEd ay binubuo ng mga kasalukuyan at dating entertainment editors ng mga leading newspaper at online site sa Pilipinas, sa pangunguna ng presidente nitong si Eugene Asis ng People’s Journal.

Ayon kay Asis, asahan ang mas kapana-panabik at mas matinding labanan ng mga natatangi at de-kalidad na pelikula ngayong taon.

Ang pagbibigay-parangal ng SPEEd ay isang paraan din para hikayatin, lalong pataasin ang morale at patuloy na magbigay-inspirasyon sa Filipino filmmakers, producers, writers, actors at iba pang kasama sa pagbuo ng isang matino at dekalibreng pelikula.

About hataw tabloid

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …