ISINAGAWA ng Social Security System (SSS) ang 6th Race Operation sa ilang kumpanya sa San Jose Del Monte City, Bulacan bilang bahagi ng Run Against Contribution Evaders (RACE) Campaign nito,
Binisita ng sangay ng SSS ang pitong employer na hindi umano nagre-remit ng kontribusyon ng kanilang mga tauhan na mayroong collectibles na aabot sa PhP1.3M.
Ang pitong kumpanya ay iniulat na hindi nakarehistro kaya sa pamamagitan nito ay naiiwasan ang mga obligasyon sa mga tauhan tulad ng hindi paghuhulog ng kontribusyon sa SSS.
Ang kampanya ng RACE ay pinangunahan nina Acting Branch Head Delia E.Sebastian; CEO II Ronald De Guzman ,Account Management Section ; SJDM Branch na sina Vice President For Luzon Central 2 Division Gloria Corazon M.Andrada; Atty. Faith Henriet Arao ng SSS Luzon Central Legal Department, Atty.Maria Lourdes Barbado Hipe Atty III Operation Legal Extension Office Pampanga, na dinaluhan ng ilang myembro ng local at national media.
Sa press briefing na ginanap bago ang kampanya, sinabi ni Atty.Henreit Arao na ang kampanya ng RACE ay naglalayong itanim ang kamalayan ng mga employer, disiplina at pahusayin ang kahusayan sa pangungulekta at pataasin ang antas ng pagsunod ng mga employer na nakasaad sa ilalim ng RA11199 o kilala bilang Social Security Act of 2018
Nagpaalala sina Atty .Andrada at Atty Hipe sa mga employer tungkol sa kanilang mga obligasyon sa SSS na sundin ang batas sa ilalim ng RA 11199.
Sinabi rin ni Ceo II Ronald De Guzman na mula nang nagsagawa ng RACE operation noong taong 2022 hangang sa kasalukuyan taon, ang kanilang tanggapan ay nagsagawa na ng anim na operasyon na may kabuuang halaga na PhP16M collectibles at hanggang ngayon ay nakakakolekta na ng kabuuang halaga na Php9M na may balanseng Php7M na inilagay sa mga installment plan . (MICKA BAUTISTA)