Monday , December 23 2024
Gawad Dangal ng Lipi bulacan

Mga natatanging Bulakenyo kikilalanin sa Gawad Dangal ng Lipi

BIBIGYANG pagkilala ang mga kagalang-galang at natatanging Bulakenyo sa gaganapin na taunang Gawad Dangal ng Lipi, ngayon, Setyembre 13, 2023, 5:00 ng hapon sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center sa Lungsod ng Malolos, Bulacan.

Kabilang sa mga kategoryang pararangalan ang serbisyo publiko, serbisyo sa komunidad, edukasyon, agham at teknolohiya, sining at kultura, palakasan, propesyonal, kalakalan at industriya, negosyante, agrikultura, kalusugan at Bulakenyo Expatriate.

Samantala, ipagkakaloob naman ang Tanging Bulakenyo, ang pinakatamataas na parangal sa may pinakamahusay at may natatanging kontribusyon alinman sa mga nabanggit na kategorya.

Ayon kay Gobernador Daniel R. Fernando ng Bulacan, marami pang mahuhusay na Bulakenyo ang nagtatagumpay sa kanila-kanilang larangan at patuloy silang pararangalan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Planning and Development Office at inaasahang magsisilbing inspirasyon sa iba.

“Nawa ay makapagbigay ito ng inspirasyon sa mga Bulakenyo upang higit pang magpunyagi at mapahusay ang kanilang kakayahan at kaalaman sa kani-kanilang napiling larangan at sa pamamagitan nito ay maktulong sa lipunan na kanilang kinabibilangan,” ani Fernando.

Kabilang sa mga nauna nang pinarangalan ng Dangal ng Lipi sina Department of Justice Secretary Atty. Menardo I. Guevarra, Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines Gen. Carlito G. Galvez, Justice Maria Theresa V. Mendoza-Arcega, Aurora F. Sumulong, Senator Blas Ople, dating Pangulong Corazon Aquino, Regine Velasquez, Dolphy, Joey De Leon, Arnold Clavio, at dating Gobernador ng Bulacan Roberto “Obet” Pagdanganan.

Isa sa mga tampok sa Singkaban Festival 2023 ang Gawad Dangal ng Lipi na may temang “Likas na Yaman, Kasaysayan at Kultura, Pangalagaan Ating Pamana”. (Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …