Friday , April 4 2025
San Jose del Monte City SJDM

Kasabay ng Tanglawan Festival ng San Jose del Monte
Kampanya sa pagkamit ng YES vote para sa HUC status nagsimula na

 

NAGSIMULA na ang mag-asawang sina San Jose del Monte City Mayor Arthur Robes at Cong. Florida Robes ng lone district ng lungsod sa Bulacan, ng kanilang kampanya upang isulong ang “Highly Urbanized City (HUC)” kasabay ng ika-8 taunang Tanglawan Festival.

 

Ayon kay Cong. Robes, ito ay nararapat na magpaalab sa mga San Joseño para sa paghahanap ng pag-asa at magandang kinabukasan sa isinagawang Tanglawan Festival na galing sa salitang liwanag.

 

Pahayag ng mag-asawang Robes, ang nakamit ng lungsod ang prescribed parameters upang maging “Highly Urbanized City.”

 

“Kailangan-kailangan natin ito. Lumalaki and ating populasyon at nag-qualify tayo para maging HUC. Kapag tayo ay component city lamang, medyo maliit ang ating pagkukunan ng paglilingkod at serbisyo sa ating mamamayang San Joseño,” ani Cong. Robes.

 

“Habang lumalaki ang populasyon, lumalaki ang pangangailangan,” dagdag niya.

 

Sinabi ng kinatawan ng lone district ng lungsod ng San Jose del Monte, ito ay magpapalakas sa free education program na sa kasalukuyan ay ang mayroong 6,500 benepisaryo mula sa mga residente ng District 2.

 

“We would like to replicate this in District 1,” aniya.

 

Ipinangako ng kinatawan na kapag ang lungsod ay naging HUC ay aampunin nito ang tatlong lungsod sa lalawigan.

 

Ipinahayag ni Mayor Robes na ang lungsod ay “more than meets” o higit na nakatugon sa mga pangangailangan ng higit 200,000 naninirahan sa lungsod na may locally-generated P250 million annual income sa loob ng dalawang sunod na taon.

 

Sa panayam matapos sumali sa Zumba contest, sinabi ni Mayor Robes na umaasa siya na ang kanyang mga kababayan at iba pang botante sa lalawigan ng Bulacan ay boboto ng  “yes” para maging  HUC ang SJDM sa isasagawang plebisito sa 30 Oktubre.

 

Para kay Cong. Robes, ang Tanglawan ay inspirasyon sa lumang kuwento kung saan ang mga tao na nagtatago noong panahon ng World War II ay nakakita ng liwanag ng ilaw papunta sa imahen ng San Jose del Monte na isinalin sa St. Joseph of the Mountains.

 

Aniya, ang 10-day festival ay sinalihan ng iba’t ibang sektor sa lungsod, mula senior citizens hanggang kabataan.

 

Ang festival ay may Arya-arya street dancing, cultural fashion show na maging ang mga indigenous people ay lumahok, Zumba contest para sa senior citizens, at unity walk na dinaluhan ng may 15,000 residente.

 

“Ipinapakita natin na welcome lahat dito sa festival na ito,” dagdag ni Cong. Robes.

 

Sa 2020 data mula sa Philippine Statistics Office, may kabuuang populasyon na 651,813 sa 156,871 kabahayan ang lungsod ng San Jose del Monte.

 

“This is the 18th most populated city in the country and the largest local government unit in Bulacan and Central Luzon,” saad ni Mayor Robes.

 

Ang lungsod ay iprinoklama bilang Highly Urbanized City ni President Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng  Proclamation No. 1057 noong December 2020.

 

Ang ratipikasyon nito ay magkakabisa sa 30 Oktubre. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Padre Burgos Ave Ermita Manila Road Accident

Sa Ermita, Maynila
4 sugatan sa bangaan ng mga sasakyan

SUGATAN ang apat na indibiduwal matapos masangkot sa insidente ng banggaan ang ilang mga sasakyan …

Rosales Pangasinan Fire Sunog

Sa Rosales, Pangasinan
INA, 10-ANYOS PIPI-BINGING ANAK PATAY SA SUNOG MULA SA POSTE NG KORYENTE

ISANG 30-anyos ina at 10-anyos anak na babaeng pipi at bingi ang namatay sa sunog …

Meycauayan Bulacan Police PNP

Road rage sa Meycauayan
Grab driver sugatan sa saksak ng nakabanggang motorista

SUGATAN ang isang 39-anyos Grab driver nang pag-uundayan ng saksak ng nakabanggaang motorista sa lungsod …

Benhur Abalos Jr

Abalos bitbit ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas

OPISYAL nang inendoso ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas (LNB) ang kandidatura ni dating …

Bulacan Police PNP

Crackdown ng Bulacan PNP laban sa krimen, walong pugante at isang tulak nasakote

SA WALANG tigil na anti-criminality operations, naaresto ng pulisya ang kabuuang siyam na indibidwal na …