Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tiffany Grey Apple Dy Errol Alegre

Tiffany bumigay, sobra-sobra sama ng loob

HARD TALK
ni Pilar Mateo

KARGADO ang Best Supporting Actres nominee (for My Father, Myself) noong nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF) na si Tiffany Grey.

Kargado ng balde-baldeng emosyon nang sumalang sa mediacon para sa Punit Na Langolit ng Vivamax(streaming sa September 8, 2023) na first directorial job ng nagtapos sa US sa kursong filmmaking na si Rodante Pajemna, Jr..

Kahit pilit na pinipigilan ni Tiffany ang sarili na huwag bumigay sa emosyong kimkim sa kanyang dibdib, naiyak pa ito sa ilang bahagi ng interbyu. Lalo pa at naikompara ang sarili sa ginampanang karakter ni Claudia sa pelikula.

Pakiwari ni Tiffany, nag-iisa lang siya na sumasambot sa lahat ng mga hamon ng buhay. At kahit nga kaibigang mapagsasabihan ng kanyang saloobin eh, wala siyang mahanap.

Malayo sa kanya ang pamilya. At ito ang pinangarap ng Cebuana para sa buhay niya. Ang maging isang ganap na aktres.

Pinsan niya sa pelikula si Apple Dy bilang si Dyosa. At ang istorya nila ay tungkol sa mga pangarap na binubuo at ang paraan kung paano ito matatagpuan. Sa isang baryo na ang dumadalaw na aliw eh, sa pamamagitan ng pagdalaw ng karnabal o perya sa bayan.

Ang pagkamulat din sa kamunduhan at ikot nito sa buhay nila at kung paanong napunit ang mga sinimulan nila.

At kahit naman sumabog ang dibdib ni Tiffany sa mga sama ng loob niya, isang anghel ang dumating sa buhay niya kung ilang buwan pa ang ang nakararaan.

Ipinakilala sa amin ni Tiffany si Errol Alegre. Tubong Guam. Pero rito nananahan ngayon. At nagnenegosyo. Nakita naman namin ang pag-aalaga nito kay Tiffany.

At nagbitiw pa ng salita nang bilinan ko na alagaan ang dalaga.

I promise! We’ll take  care of each other!” 

Promesa ng papasang Viva artist na kahit may lamlam ang buhay niya ay nakapagbibigay pa rin ng saya kay Tiffany. 

To ease out the grey matters in her life! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …