MAHIGIT 400 aspirants sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE), ang naghain ng certificates of candidacy (COC) sa lungsod nng Muntinlupa.
Pinalalakas ng Muntinlupa ang paghahanda para sa 2023 BSKE ngayong Oktubre dahil opisyal na nagtatapos ang paghahain ng mga kandidato nitong Lunes, 4 Setyembre.
Mula sa siyam na barangay ng lungsod ang naghain ng kanilang certificates of candidacy (COCs) noong Lunes, dakong 5:45 pm batay sa tally (hindi pa opisyal) ng lokal na Commission on Elections (Comelec).
“Tinatanggap namin ang partisipasyon ng mga kalipikadong Muntinlupeño na nagnanais mamuno sa mga lokal na komunidad sa pamamagitan ng paggamit ng karapatang bumoto sa pamamagitan ng demokratikong proseso,” sabi ni Mayor Ruffy Biazon.
“Gayondin, hinihikayat namin ang lahat na magtulungan upang matiyak na ang mga botohan ngayong taon ay maaasahan, mapagkakatiwalaan, at mapayapa.”
Sa listahan (hindi pa opisyal) ng Comelec, 24 indibidwal ang naghain ng COC para sa barangay chairman, at 193 para sa barangay kagawad. May kabuuang 23 kandidato ang naghain para sa nakababatang katapat ng SK Chairman habang 165 umaasa ang sumali sa SK member race.
Nasa average na dalawa hanggang tatlong kandidato ang lumalaban sa pagkapangulo sa walo o siyam na barangay ng lungsod.
Sa kasalukuyan, ang chairmanship ng Barangay Ayala Alabang ang walang laban; maaari pa rin itong magbago habang tinatapos ng Comelec ang listahan ng mga kalipikadong kandidato para sa botohan sa Oktubre. (GINA GARCIA)