Saturday , November 23 2024
YANIG ni Bong Ramos
YANIG ni Bong Ramos

Ilang insidente ng paglabag sa batas ngayong 2023 kinasasangkutan ng pulis

YANIG
ni Bong Ramos

NAPAG-ALAMAN na karamihan ng insidente ng krimen naganap ngayong 2023 ay kinasasangkutan ng ilang miyembro ng Philippine National Police (PNP).

Masyadong naging malawak at malalim ang naging partisipasyon ng PNP sa mga krimeng ito dahil ito ay well-participated from top to bottom, mula heneral hanggang police officer 1.

Karamihan sa mga krimeng kinasasangkutan ay hindi lang ikinokonsiderang mga heinous crime na walang kaukulang piyansa, kundi may kaparusahang “life sentence o reclusion perpetua.” Tsk tsk tsk…

Kung existing pa rin ang parusang kamatayan o death penalty, tiyak pasok sila kung sakaling sila ay ma-patunayang guilty.

Ilan sa mga kasong tinutukoy dito na inihain laban sa mga pulis ay ang possession of illegal drugs (shabu), murder, kidnapping, robbery-extortion na ang huli ay road-rage.

Isa sa matinding kaso na kinakaharap ng ilan mga pulis ay ang pagpupuslit ng mga kompiskadong ebidensiya ng shabu na halos isang tonelada ang timbang at aabot sa P4 bilyon ang street value.

Mayroon din ibang grupo ng pulis na inakusahan ng cold blooded murder nang walang-awang pagbabarilin ang 17-anyos na binatilyo hanggang mamatay.

Matapos ang insidente, ito pala ay wrong mistake at napagkamalan lang. Mistaken identity pala ang kawawang biktima.

Ganoon lang pala kadali ang pumatay sa isang inosenteng binatilyo na halos hindi mo na makikilala sa rami ng balang tumagos sa ulo mula sa 9-12 pulis ng Navotas City.

May grupo rin ng mga pulis sa iba namang dako na sabit sa abduction at kidnapping. Ang ilan naman ay sangkot sa robbery na sapilitang pinasok ang isang residential house na kanilang ni-ransack matapos taniman ng explosive at droga.

Hindi lang pala from top to bottom mula heneral hanggang PO1. Meron din palang dismiss sa serbisyong pulis na sangkot naman sa road-rage na tinutukan ng baril ang isang siklista at walang-awang pinagba-batukan sa Quezon city.

Kung ganito kalakas ang loob ng isang dismiss na pulis na may edad na rin, e di mas lalo na ang isang aktibong pulis na kasalukuyang nasa serbisyo pa. Siguradong agresibo pa dahil bata pa.

Mukhang malaki na ang damage ng institusyon ng PNP dahil sa mga estupidong napasok sa kanilang hanay na dapat sana’y maging ehemplo at halimbawa sa lipunan.

Sa halip na “to serve and protect” ay to swerve and collect pala ang ginagawa ng mga damuho sa sambayanang Filipino.

Kung tutuusin, ang PNP na siguro ang pinaka-spoiled sa lahat ng aspekto dahil sila agad ang inuuna at agad na binibigyan ng benepisyo tulad ng pagtaas ng kanilang suweldo na halos nadoble.

Ang hakbang na ito ay para huwag na silang gumawa ng labag sa batas o masangkot sa katiwalian at huwag ng gawing dahilan o palusot na hindi nagkakasya sa kanilang pamilya ang kanilang kinikita.

Ngayon siguro ay wala na kayong masasabi o magiging alibi sa mga kalokohang inyong ginagawa, ‘di po ba, mga Sir?

Que ano pa sigurong cleansing ang gawin, ibabad, ikula o lagyan ng zonrox, wa-epek na rin dahil kumbaga sa cancer ay terminal stage na.

Siguro ang tanging rekurso na lang ay magkaroon ng liderato na may pusong bato, isang taong matigas pa sa semento at bakal, inirerespeto at hindi kinakatakutan. Dapat din na bingi at hindi nakikinig sa mga ‘sentimiento de patatas.’

Sa kabila nito, sabi nga, meron pa rin pag-asa dahil tanging patay lang ang walang pagbabago.

About Bong Ramos

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …