Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hindi nakontento sa eskuwelahan estudyante itinanan, pinagparausan
TITSER ARESTADO SA PANGHAHALAY SA 11-ANYOS DALAGITA

090723 Hataw Frontpage

“NANDOON ‘yung paghingi ko ng tawad, hindi mawawala ‘yun, andoon ‘yung totoong nararamdaman ko na nagsisi naman talaga ako,” umiiyak na pahayag ng isang gurong suspek sa panghahalay ng kanyang 11-anyos na estudyante sa Valenzuela City.

Hindi mapigilan, sa labis na galit ng ina ng biktima, nang makita ang suspek na kinilalang si Kevin Ong, 32 anyos, teacher, habang nagpupumilit abutin ang ulo nito upang saktan ngunit naawat ng mga arresting authority.

Ito ay matapos maaresto ang guro makaraan niyang itanan at ilang ulit pinagsamantalahan ang

11-anyos dalagitang estudyante na dinala sa isang motel sa Valenzuela City.

Batay sa ulat, 3 Setyembre, nang hindi umuwi ang dalagita na noon ay itanan ng suspek at nakitang nag-check in ma nakunan ng CCTV sa isang motel sa Valenzuela City.

Nakunan din na kasama ang biktimang dumeretso sa second floor, bukod pa sa kuha ng video na dala ang mga bag patungo sa isang kuwarto kung saan inabot ng higit sa 24 oras.

Batay sa ulat ni Atty. Rommel Vallejo, Regional Director ng National Bureau of Investigation – National Capital Region, Lunes ng umaga na ibinalik ng suspek ang dalagita.

Simula umano noong Hunyo, tatlong beses kung halayin ng suspek ang estudyante kapag ipinapatawag sa loob ng opisina kung saan pinaiinom umano ng pills para hindi mabuntis.

Nasampahan ng mga kasong Statutory Rape, Child Abuse, at Abduction of Minor ang suspek. Patuloy ang imbestigasyon kung may iba pang estudyante ang nabiktima ng manyak ng guro. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …