Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andre Yllana

Andre ratsada sa university series

HARD TALK
ni Pilar Mateo

WHAT’S with Andre Yllana?

Nang makausap namin ito sa cast reveal ng Safe Skies, Archer ng Viva One, happy ang binata ni Aiko Melendezdahil magko-concentrate na talaga siya in his career as an actor.

Malungkot man siya na pahinga muna ang kanyang pangarerang kotse na regalo ng tatay niya na si Destiny, wala rin siyang magagawa dahil mahal nga ang kumarera sa panahong ito. Pero kung may invitations for his performance once in a while at tumakbo at humawak ng manibela ay magagawa pa rin naman niya.

Happy si Andre in his character as Adonis sa naunang The Rain in España na ito na ngang SSA ang kakabitan. Si Gino Santos na ang direktor nito mula sa libro ni Gwy Saludes.

At happy din naman si Andre to welcome ang bibigyang-pansin sa mga bagong karakter nila.

Tinanong namin si Andre sa kanyang lovelife.

Kaka-break pa lang po namin. We were together for about four months. Ako na po muna nag-decide at napag-usapan naman namin na to have it this way. Na kanya-kanya na muna.”

Ikatlong relasyon na pala niya ito. At marami na ring natutunan si Andre.

Natutunaw si Andre sa mata ng isang babae. Pero ‘yun nga, mahaba-habang proseso rin ang mapasok sa isang relasyon.

Ayoko na muna po. Yes, non-showbiz sila. Pero wala rin naman akong balak na manligaw sa taga-showbiz. Mas masaya na magsama-sama sa trabaho. Na ‘di maaapektuhan ang trabaho.”

Kung mag-eenrol na siya in college, Public Administration ang kursong kukunin ng guwapong binata.

Nakita ko na ‘yun kay Mama. Naipamulat na niya sa amin ni Mimi (Marthena) ang maging matulungin sa kapwa. And she’s been doing that for most of her life. At kapag may mga baba nga siya sa mga tao at nagsasabay-sabay ang skeds, ako muna ang pinahaharap niya sa tao…training ground na rin. Pero iba pa rin ‘yung may knowledge ka about it. Hindi naman ‘yun sasalang ka na wala kang alam sa magiging trabaho mo if ever.”

Mahigpit na kuya raw si Andre sa kanilang bunso. Na lumalaki ngang maganda at pwedeng isabak sa beauty pageants soon.

Mostly players ang mga nagpapakilala (Volleyball player si Mimi). Lahat ‘ata ng sports.”

Viva artist na si Andre. Kaya tiwala ang Mama Aiko niya na masusundan pa ang mga proyektong gagawin ng binata rito. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …