Tuesday , April 15 2025
gun ban

Amok, lalaking may boga  arestado sa paglabag sa Omnibus Election Code

DALAWANG lalaki ang inaresto ng pulisya matapos lumabag sa umiiral Omnibus Election Code na ipinaiiral ng Commission on Elections at Philippine National Police (PNP), partikular ang gun ban at pagdadala ng matatalim na bagay, sa isinagawang operasyon ng pulisya sa Bulacan kamakalawa ng gabi.

Sa San Miguel, Bulacan, arestado si  Herbert Dela Cruz, 37 anyos, residente sa Brgy. Salangan, sa nabanggit na bayan, ng nagrespondeng mga tauhan ng San Miguel MPS sa krimeng Alarm and Scandal, dalawang bilang ng Attempted Murder, Illegal Possession of a Bladed Weapon malinaw na paglabag sa umiiral na Comelec Omnibus Election Code, Malicious Mischief, at Direct Assault na naganap sa Brgy. Salangan, San Miguel.

Nakompiska ng mga awtoridad sa naarestong suspek ang isang jungle bolo na ginamit habang naghahasik ng sindak sa komunidad.

Samantala sa Malolos City, si Sammy Recaido Delos Santos, 42 anyos, ng Mac Arthur Village, Brgy. Longos, Malolos City, ay inaresto ng mga nagrespondeng pulis sa hot pursuit operation sa krimeng Grave Threat at paglabag sa  R.A. 10591 kaugnay ng paglabag sa Comelec Omnibus Election Code na naganap sa Mac Arthur Village, Brgy. Longos, Malolos City.

Nakompiska sa arestadong suspek ang isang  improvised firearm, isang bala ng kalibre .45, at isang  Squires Bingham air gun rifle.

Ayon kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang pulisya sa lalawigan ay matatag na nakatuon upang labanan ang mga pasaway sa batas at karahasan laban sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) 2023 na may temang “Pulis ng PRO 3, Partner ng Pamayanan.” (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Alan Peter Cayetano

Cayetano sa mga SK leader  
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Road Maintenance

DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa

NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department …

Dead Road Accident

2 patay, 7 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

PATAY ang dalawa katao habang pito ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Commonwealth …

041425 Hataw Frontpage

2 grade 8 students dedo sa saksak ng 3 menor de edad

HATAW News Team DALAWANG Grade 8 students ang napaslang sa pananaksak ng tatlong estudyante rin, …