Monday , December 23 2024
Maya

Maya inulan ng reklamo mula sa netizens

INULAN ng reklamo sa social media mula sa mga dismayadong customer ang umano’y hindi magandang serbisyo ng Maya, isang digital bank na may all-in-one money app sa bansa.

Ilang araw nang walang patid ang reklamo ng mga netizen na idinaan sa Facebook at Twitter ang kanilang mga hinaing.

Partikular na inupakan ng mga netizen ang poor customer service ng Maya, ang mabagal na pagta-transfer ng pera sa kanilang account, ang hindi pagpasok ng cash in sa kanilang wallet, at ang biglaang pagsasara sa kanilang mga account.

Kinuwestiyon ng ilang netizens ang ipinatutupad na redundancy program o ang pagbabawas at pagpapatalsik ng mga empleyado sa Maya dahil doble o duplicate umano ‘yung trabaho.

“ughhhh napakainconvenient. Yung chat support – not very helpful. I’ve sent more than 30 emails since June pero walang maayos na reply. MAYA ANO NA?! Pakibalik yung funds ko if di nyo kayang isolve issue!” tweet ni Ashlyyyxo (2:01 PM- Aug 30, 2023)

“As of Sep 01, 08:56 AM, it has been exactly 3 business days since this happened. No amount transferred nor reverted back into my Maya account!  Give me back my hard earned money!” isinulat ni ngOtkul4 sa Twitter (10:28 AM-Sept 1, 2023)

“may issue ba ngayon ang @mayaofficialph? nagcash in ako pero di pumasok sa wallet ko and ang mas malala doble x2 yung nakuha sakin,” tweet ni Harvey (5:16 PM- Aug. 31, 2023)

“hassle talaga dyan kay Maya dahil mas madalas pa system error kaysa good service,” reklamo naman ng isang netizen sa Facebook.— Fernando S.,(Aug 26, 2023)

Ang ilan pa sa hinaing ng mga netizen:

“naka maintenance pa din ba kayo?  Nagtransfer to wallet ako from maya credit and hindi pa din siya nagrereflect sa maya wallet ko. Pang 2nd time na to nangyari.” — Josh (7:10 -Aug 30, 2023), Twitter

“madidismaya ka talaga dyan kay Maya kasi halos wala silang pake sa reklamo ng mga customer nila.” – Cecilia G (Aug 26, 2023), Facebook

“Maya ano na? hanggang ngayon pala panget pa rin service nyo tapos nababalitaan ko pa na ang taas ng fee nyo!!” – Akex T. (Aug 26, 2023), Facebook

“ganyan Naman ka walang kwenta Ang MAYA kaya dapat diyan pinapatulfo na para nman ayusin na nila service nila.” –  Maria M. (Aug 26, 2023), Facebook

“kaya nababash yang MAYA app dahil bulok na service bulok pa pati mga costumers service nila 😂” – Lobby S. (Aug 26), Facebook

“What the hell you’re closing my account? Enlighten me with the violation I committed.

I hope you’re clear with your accusation. “ – Kween (7:50 PM, Aug. 23, 2023), Twitter

“Day3 na, i can’t seem to transfer funds from savings to wallet 😞 need to pay bills🤧” — Furmomma (6:44 AM, Aug. 24, 2023), Twitter

“Ireport nyo po sa BSP. Ganyan ginawa sakin nyan Maya grabe 6weeks bago ko nakuha pera ko. “ – Dawn (9:10 AM, Aug 24, 2023), Twitter

“Hi, my account was closed abruptly due to alleged unusual activities and that I violated the T&C? I will raise this to BSP if you can’t provide which provision I violated.” — Jim (7:17 PM, Aug. 23, 2023), Twitter

“made a very stupid mistake of sending money to a mobile number via @mayaofficialph,  which turns out to be a non-existent number. One digit was wrong. But now, @mayaofficialph

               “cannot help me with the reversal. So that money is now floating wherever!” — Christine Joy M. (9:37 AM, Aug. 24, 2023), Twitter

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …