Nakahanda ang buong puwersa ng Philippine National Police {PNP} na tulungan ang Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA) para agresibong maipatupad ang utos ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magtakda ng price ceilings sa presyo ng bigas.
Sa pangunguna nina DILG Secretary Ben Hur Abalos Jr. at Chief PNP PGeneral Benjamin Acorda Jr., kanilang
titiyakin na sinusunod ng lahat ng pamilihan sa buong bansa ang itinatakda ng Executive Order No. 39 na price ceiling na Php41..00 kada kilo ng regular milled rice at Php45.00 sa well milled rice.
Sa puntong ito ay kanilang inatasan ang lahat ng yunit ng kapulisan na palakasin ang intelligence operations upang labanan ang mga cartel at price manipulators ng bigas.
Hinihikayat din nila ang lahat ng advocacy supporters ng PNP at mga force multipliers na kumilos at makipagtulungan sa gobyerno at sa PNP sa pagsugpo sa lahat ng nagsasamantala sa presyo ng bigas..
Ayon kay PBGeneral Acorda Jr.,, kung may mabalitaang lumalabag sa itinakdang price ceiling ng bigas, huwag mag-atubiling i-report sa PNP o sa kanya mismo.
Ang price manipulation at cartel sa bigas ay labag sa batas kaya dapat ay labanan ang krimen na ito bilang pagpapakita ng malasakit sa kapuwa at sa taumbayan.
Kamakailan lamang, sinalakay ng mga awtoridad ang ilang bodega sa Wakas, Bocaue at San Juan, Balagtas sa Bulacan na pinaghihinalaang nag-iimbak ng bigas at nadiskubre nila ang may P519 milyong halaga ng bigas at palay na itinatago rito. {Micka Bautista}
Sa isa pang makabuluhang anti-illegal drug operation na isinagawa sa Angeles City, Pampanga kamakalawa, ang mga awtoridad ay nadakip ang dalawang high value individuals (HVI) at nakakumnpiska ng shabu na halagang Php374,000.
Ayon sa ulat na isinumite ng Angeles City Police Office (CPO) kay PRO3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo Jr, ang mga arestadong indibiduwal ay kinilalang sina Loyd Cyrel Antonio at Anthony Samia, kapuwa residente ng Brgy. Pampang, Angeles City at nasa kategorya bilang high value individuals.
Ang kanilang mga kasabuwat, na nakatakas, ay kinilala ng mga awtoridad na si Jefferson Salas, o kilala sa alyas nitong”Boss.”
Sa isinagawang operasyon ay nakumpiska ng mga awtoridad sa mga suspek ang maraming items, kabilang ang Php1,000 bill marked money na ebidensiya, siyam na Php1,000 boodle money, isang pulang Honda motorcycle na may sidecar, pink pouch, at kabuuang tatlong selyadong pakete ng plastic na naglalaman ng shabu, tinatayang may timbang na 55 gramo, at street value na Php374,000.00.
Patuloy ang masigasig na paghahanap upang maaresto si Jefferson Salas, alyas “Boss,” bilang bahagi ng kilang follow-up operation.
Samantala, ang mga awtoridad ay inihahanda na ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban kina Loyd Cyrel Antonio at Anthony Samia sa paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act), na inihahanda na para ihain sa korte.{Micka Bautista}