Saturday , December 21 2024

Newscaster buko ang pagiging ateh, gustong gayahin si Mel Tiangco

HATAWAN
ni Ed de Leon

BUKONG-BUKO na si Ateh, sigawan ng mga bading isang araw tungkol sa isang male newscaster na anumang tago ang gawin sa tunay niyang pagkatao ay lumalabas na ang ambisyon pala niya ay maging kagaya ni Mel Tiangco.

Bading pala, sayang pogi pa naman, sabi nila. Noong araw ang poging newscaster ay kinababaliwan din ng mga bading, pero sabi nga nila nakapagtataka na kumukulo ang langis nila sa kilikili kung kaharap na ang poging newscaster, iyon pala ay malapit na rin siyang magladlad ng kapa at mag-aplay na Reyna Elena sa isang Santacruzan

May balak din daw iyong gayahin si Pura Luka Vega, pero ang gagayahin naman niya ay si Virgin Mary. Aba talagang luka-luka. Hindi ba siya natatakot sa Karma. 

Tingnan ninyo ngayon iyong Pura Luka Vega, namamalimos na lang ng pamasahe, pagkain, at iba pang kailangan sa pagharap sa katakot-takot na demandang inabot niya, hindi pa siya makapag-show dahil deklarado na siyang persona non-grata. 

Ibig sabihin ay hindi siya makakapupunta ni makayayapak sa mga pook na siya ay hindi na tinatanggap.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …