Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
James Reid Liza Soberano

Hollywood career nina James at Liza hanggang ambisyon na lang

HATAWAN
ni Ed de Leon

OKEY naman ang takbo ng kanyang Careless Music sabi ni James Reid, pinalalabas niyang hindi naging drawback para sa kanila ang nangyari sa kasosyong si Jeffery Oh. Sinasabi nga ni James na maraming pagsubok sa kanilang bagong kompanya pero lahat naman ay napagtatagumpayan nila. 

Sinabi rin niyang natutupad naman nila ang kanilang mga pangarap at tuloy ang collaboration nila sa mga foreign artist at companies.

Pero nasaan nga ba ang ipinagmamalaking tagumpay ng Careless Music? Wala kaming naririnig na naging top hit ng kompanya rito sa PIlipinas, at kung dito wala silang napasikat, sa abroad pa kaya?

Tahimik na rin ang dati ay maingay na ambisyon ng kanilang talent na si Liza Soberano. Mayroon na nga ba siyang project sa Hollywood kahit na extra lang. O nananatiling ambisyon lang ang lahat? 

Malapit nang magdalawang taon na walang balita kay Liza. Noon napilayan ang kanyang daliri kaya hindi siya makapagtrabaho. Nang maoperahan na ang daliri niya noong pandemic, wala na siyang trabaho. Talaga nga kayang matutulungan siya ni James na magkaroon ng career sa Hollywood?

Duda kami dahil kung may magagawang ganoon si James ‘di dapat siya mismo may career na sa Hollywood. Eh sa takbo ngayon mukhang puro ambisyon lang din ang kanyang career.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …